"Lourde, pinapatawag daw tayo sa kumpanya" sabi ko
Kahit ako di ko alam kung bakit. Ayokong pumupunta sa kumpanya eh. Nabibwisit lang ako.
"Ha? Bakit daw?" tanong niya
"Di ko alam. Edi sana sinabi ko na kung alam ko" sabi ko
"Sungit. Tara na" sabi niya
Ayoko talaga kasi doon. Pasensya na pero nabibiwisit talaga ako.
Pagkatapos ng klase ay agad na kaming dumiretso doon. Nagpaalam din ako kay Angela pero nakalimutan kong banggitin na kasama ko si Lourde. Sasabihin ko na lang pagkatapos naming pumunta doon.
Medyo tahimik yung biyahe namin. Nag-uusap pero konti lang ang topic. Ewan wala lang siguro kaming maisip.
"Sa tingin mo anong pwedeng dahilan kung bakit tayo ipapatawag sa kumpanya niyo?" tanong ni Lourde
Wala talaga akong alam. Kahit na magkaroon ako ng alam diyan, siguro ay konti lang.
"Wala talaga. Ikaw ba?" tanong ko din
Nagisip siya. Malamang siya meron. Di naman siya magiisip kung wala.
"Baka tungkol sa kumpanya namin... Alam mo yun diba?" sabi ni Lourde
Alam ko lang na may problema. Bukod doon wala na.
"Yung may problema? Oo yun lang" sabi ko
Tumango na lang siya. Siguro mabigat iyon kaya ayaw niyang pagusapan namin dito.
Nakadating na din kami sa kumpanya. Ang bigat ng pakiramdam. Ayoko tuloy pumasok.
"Dad, Mom" sabi ko
Kanina pa siguro sila naguusap-usap. Bakit kailangan pa ako dito? Wala naman akong pakealam sa kumpanya. Bahala sila kung kanino nila ipapamana.
"Finally you came! We need to talk about the company" sabi ni mom
Umupo ako malayo sa kanila. Malamang taga hatid lang ako ni Lourde kaya dito na lang ako.
"What are you doing there? Come here" sabi sa akin ni Dad
Wala akong nagawa kundi sumunod. Mamaya mawalan pa ako ng kotse.
"Bakit ba? Kasali ba ako diyan?" tanong ko ng naiirita
"Pareho kayo hijo. Pasensiya na pero ito lang ang paraan para mapapayag ang parents mo" sabi ng Dad ni Lourde
"Ano yun dad? Akala ko this concerns only me? Bakit pati si Jerome?" tanong ni Lourde
Totoo naman. Wala akong kinalaman sa kumpanya nila. Natural, kanila nga eh.
"We know that anak. Pero napagkasunduan ito dati pa" sabi nung mom ni Lourde
Naguguluhan ako. Ibig sabihin dati pa sila naguusap usap tungkol dito.
"Ano pong ibig sabihin niyan?" tanong ko
"We want the both of you to get married" sabi ni Mom
Hell no! I can't marry someone I don't love. Hindi na din ako bata para sila ang magdesisyon kung ano ang gagawin ko.
"No! We have different lives now. We can't marry each other!" sigaw ko
Nabigla sila sa reaksyon ko. Sinasabi ko lang ang totoo. Pareho kami. May kanya-kanya na kaming buhay at may mahal kaming iba.
Hindi ko iiwan si Angela ng basta basta. Mahal ko siya. Kayang-kaya ko siyang ipaglaban 'wag niya lang akong bitawan ng biglaan.
"What? But why? Don't you remember what happened to the both of you before? You grow up almost together. And If I'm not mistaken, your first love was each other. Why not get married? I'm sure you have each other's trust also. That will be a good start for marriage" sabi ng mom ko
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?