C31

24 1 0
                                    

Tapos na ang finals. Practice na namin ng graduation mamaya. At dahil nalalapit na ang lintik na graduation na 'yan, parang gusto ko na lang ding mamatay.

Pagdating ko sa room lahat sila halatang sobrang excited na. Ako lang yata yung halos di mapinta ang mukha.

"Angela! Ano? Malapit na graduation! Wala ng kahit anong test! Hooooo!" Irit ni Yuri

"Diba gusto mo ng grumaduate? Para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa! Tawa din" tawa naman ni Mitch

Hilaw akong napangisi. Wala akong napagsabihan kahit isa sa kanila. I wonder kung alam na ni Kit.

"Pagod lang... excited din naman ako" ngisi ko

Alam ko namang pilit iyon. Napatingin ako sa gawi ni Kit. Siguro may alam na siya. Hindi... alam pala talaga niya.

"Loosen up! You look stiff!" Sabi ni Sam

Dalang dala na ako nung sa lintik na problemang 'to. Bwisit! Ayoko na! Pwede bang mamatay na lang?!

"Okay ka lang ba Angela?" Tanong ni Jerome

Ang sakit lang ha? Sigurado akong kapag nagsimula na ako ay hindi ko na siya makakausap ng ganito. Tangina!

"O-oo naman... si Lourde... uhh... hindi ata" sabi ko at nagiwas ng tingin

"Huh? Teka titignan ko siya" sabi niya at umalis

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko pa kayang makihalubilo masyado sa kanya. Nahihirapan lang ako. Ang sakit. Doble ang sakit.

Papalapit na sana sa akin si Jerome ng sinubukan kong lumapit kay Airene dahil siya ang leader ng practice ng buong 4th year.

Kunwari may hindi ako naintindihan. Kaya agad niya kaming pinapwesto. Tinignan ko ang gawi ni Jerome ay napailing siyang pumwesto sa kanyang formation.

Pinilit kong magconcentrate kahit na tinitignan ko siya. Kung anong mga reaksyon niya. Nahihirapan lang ako sa pinaggagagawa ko.

Ng natapos ang practice ay pinagbreak kami ni Airene. At dahil doon nakita kong papalapit na agad si Jerome sa akin. Kaya imbis na magintay pa, hinatak ko na si Valerie at Mitch sa comfort room.

"Bakit ka nagmamadali?" Tanong ni Mitch

"W-wala... ano... naiihi ako... tama! Naiihi nga ako" ngumisi ako

Napatitig sila sa akin. Pawis na pawis ako. Ito ang unang beses na nagsisinungaling ako sa mga kaibigan ko.

Nakatitig pa din sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit, kaya ngumisi na lang ako.

"Kala ko ba naiihi ka? Di ka pa papasok sa cubicle?" sabi ni Valerie

"O-oo nga... ito na nga" ngumisi ako

Pumasok na nga ako. Hindi naman ako naiihi talaga pero pinilit ko na din. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Lalo na ng nakalabas ako ay mas lalo akong pinawisan.

Nanatili lamang ang kanilang titig sa akin. Nahahalata na ba ako? Kita na ba? Paano?

"Angela... anong problema? Pwede mo naman kaming pagsabihan eh. 'Wag ka magalala... hindi naman namin sasabihin kahit kanino" sabi ni Mitch

Huminga ako ng malalim. Sa kanila... sila ang una kong sasabihan. Iniisip ko pa lang eh naluluha na ako. Hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Ano kasi... aalis ako. Sa graduation" sabi ko

Nagbabadya na ang mga luha ko pero pinipigilan kong 'wag maluha. Nakakahiya sa kanila na maiyak ako, gayong hindi ko naman sila pinagsasabihan ng problema.

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon