K7

30 2 1
                                    

Umalis na nga si Angela. Oo hinayaan ko siya. Hinayaan kong umalis siya, kaya ngayon nasasaktan ako, ng sobra. Hindi ko alam kung kanino mas masakit, ang maiwan o ang umalis. Basta ang alam ko, pareho kaming nasasaktan.

Nasaktan ko nanaman siya. Alam kong hiniling ko na 'wag niya na akong iwan at sinabi ko namang ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari.

Pinangako ko iyon sa kanya nung nalaman niya ang paguusap namin ng ama niya. Na hindi ko siya bibitawan, ipaglalaban kahit anong mangyari. Pero ano 'tong nagawa ko?

Hindi ko rin alam kung bakit. Bakit hinayaan ko siyang umalis. Dahil ba saglit lang siya doon?

1 at kalahating taon. Iyon ang sabi sa akin ni Mr. Del Rosario. Isa pa, kasama naman si Kit kaya ako napapayag. Pero sa kalagayan kong 3 araw pa lang siyang wala, ay para na akong pinapatay sa lungkot.

Nasanay akong sinusundo siya. Nasanay akong kasama siya buong araw. Nasanay akong tatawa siya sa mga corny kong jokes. Nasanay ako na nakikita siyang namumula kapag kinikilig o kapag nagagalit. Nasanay ako na nandito siya. Nasanay ako na sa bawat lugar na tinatayuan ko ay kasama ko siya. Ngayon, hindi ko alam kung saan babaling kung ang lahat ng titignan ko ay ang nakikita ko ay ang masaya niyang mukha.

"Bro, tama na 'yan lasing ka na. Napadami na ang inom mo." Sabi sa akin ni Brylle

"Hindi pa ako lasing. Malalaman ko lang na lasing na ako kapag wala na akong makita." Sabi ko

Nandito lang naman kami sa bahay ko. Hindi naman ako nagdadrive kaya wala akong pakealam.

Hindi ako aalis para maginom. Paano kung lasing na lasing ako, tapos maaksidente ako. Paano pagbalik ni Angela? Baka hindi pa niya ako abutan ng buhay.

"Tss... gusto mo nanaman kaming magbuhat sayo papasok ng bahay niyo tulad kahapon?" Sabi naman ni Aldridge

"Edi 'wag niyo akong buhatin papasok. Problema ba 'yun?" Umismid ako

Uminom pa ako ng isang shot. Tapos saka ko binalingan ang mga kaibigan ko.

"Grabe ka brad! Babae lang 'yon. Para ka namang mamamatay! Anv dami daming babae diyan." Sabi ni Joshua

Tumango-tango pa talaga sila. Madami nga hindi ko naman mahal.

"Madami nga. Wala naman akong sinasabing konti ah?" Sabi ko

"Eh bakit ka ba nagkakaganyan? Pwedeng-pwedeng mamili eh." Sabi ni Aldride

"Hindi sila si Angela at hindi ko kayang magmahal ng hindi si Angela." Sabi ko

Nagtawanan sila. Kapag kayo nagmahal... tignan ko lang. Tatawanan ko din kayo, kasi ako ang may pinakamagandang asawa sa inyo.

"Tinamaan na eh." Ngisi ni Brylle

Nagising ako ng mag aalas dos na ng hapon. Ang sakit ng ulo ko, hindi ko na din maalala kung anong oras kami natapos kagabi.

Umupo ako sa kama at napasapo sa aking ulo. Dapat mas inaayos ko ang sarili ko, para kapag balik ni Angela ay pwede na kaming bumuo ng sariling pamilya dahil may maayos na trabaho kami at hindi manghihingi.

Bago siya umalis ay sinabi kong magiintay ako. Para saan pang magaayos ako ng buhay kung hindi kay Angela ang bagsak ko.

Naalala ko yung ilang bahagi ng pinagkasunduan namin ng daddy ni Angela. Ipaglaban ko si Angela kahit anong mangyari kapalit ng pagtulong niya sa kumpanya nila Lourde.

Hindi ko alam kung saan ko siya ipaglalaban. Pero may nararamdaman akong mali. May iba. Ito ba yung sinasabi niyang dapat ipaglaban? Dapat ba hindi ko hinayaang umalis si Angela? Dapat ba ay nakipagsapalaran ako sa airport nung araw nung alis niya? Dapat bang hindi ako nagtago no'n? Dapat ba hinabol ko siya at hindi pinaalis?

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon