Tumango si Dad. "Naniniwala naman ako sayo... ang sinisigurado ko lang... ay ang nararamdaman ng anak ko. Anyway, Hindi naman iyan ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito." Sabi niya
Naguguluhan ako sa sinabi niyang para sa nararamdaman ng anak niya. Hindi pa ba halata iyon sa kilos ni Angela?
"Po? Eh para saan po?" Tanong ko
"Hijo mangako kang magtitiwala sa sasabihin ko." Sabi niya
Kahit naguguluhan ako ay um-oo na lang ako. Kahit ano, si Angela naman ang kapalit eh.
"Opo naman po."
"Para sa kasal... dadalo ka sa isang kasal." Sabi niya
Huminga ako ng malalim. Magtiwala, para kay Angela. Magtiwala.
"Kasal po?"
Tumango siya at nagsalita.
"Sinabi ko na tutulong ako sa inyo ni Angela hindi ba? Ipaglaban at hintayin siya kahit anong mangyari? Ito iyon..." sabi niya
Ngayon naguguluhan na talaga ko. Hindi ko alam kung ano ang nauuna, naghahalo na lahat sa isip ko.
"Dadating si Kit next week para sa kasal na dadaluhan mo. Yun ang kasal nila ni Lourde." Sabi niya
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Ito ba yung tulong na 'yon? Diyos ko. Salamat po sa inyo at binigay niyo sa lupa si Mr. Del Rosario.
"Diba mahal nila ang isa't isa?" Tanong niya
"O-opo. Mahal po nila ang isa't isa." Tanging nasabi ko
"Tama ang ginawa ko. Nakipagusap ako sa mga Sanchez na sa Tamio na lang kumuha ng shares at 'wag na sa mga Montes."
Nagulat ako. Ganyan ang kaya niyang gawin para sa anak niya? Napakabait na ama niya.
"Noong una ay ayaw nila dahil hindi daw sigurado at kailangan ng madaliin. Pero pinakiusapan ko ang asawa ko na kumbinsihin ang kapatid niya kapalit ang pakikipagkasal ng mga anak nila sa isa't isa. Ngayon, nakabili na kaya nakakaahon na ngayon ang mga Sanchez, syempre bilang kabawian ay ikakasal na sila. Nabanggit ko na ding mahal nila ang isa't isa kaya sabi ko ay hindi naman na kailangan pang madaliin. Basta huwag lang muna ipaalam sa mga bata." Sabi ni dad
Kahit ipinapaliwanag niya ang bawat detalye ay paunti unti pa lamang nagrerehistro sa utak ko ang mga sinasabi ni Dad.
"Ang alam nung dalawa ay ikakasal pa din kayo ni Lourde at best man lamang si Kit. Pero kabaligtaran ito, ikaw ang best man at siya ang groom. Hindi namin sasabihin para hindi na sila makaatras. Kahit mahal nila ang isa't isa ay maaaring magwagi ang pride. At hindi ko naman kayang masaktan ang anak ko na makita o malaman man lang na ikinasal ang kanyang mahal sa ibang babae ng wala akong ginagawa." Sabi niya
Naiiyak na ako sa mga nalalaman kong impormasyon. Matutuloy na kami ni Angela. Kami pa rin hanggang dulo.
"Ganon niyo po kamahal si Angela ano?" Sabi ko
Tumango agad si Dad. "Syempre naman. Nagiisang anak ko, hindi ko pa ba pagbibigyan?" Tawa niya. "Nga pala ikaw lang ang pinagsabihan ko nito ha? Huwag kang maingay kung ayaw mong maikasal ka kay Lourde."
Napalingon ako agad. Syempre ayoko! Pero kung ikakasal na sila next week ay bakit hindi pa uuwi si Angela.
"Kung ganon po... bakit hindi pa po umuwi si Angela?" Tanong ko
"Kilala ko ang anak ko. Kapag nalaman niyang hindi ka ikakasal ay baka ipabayad na lang sa akin ang kontrata. Pero dahil ang alam niya ay ikaw ang ikakasal, kahit na nasasaktan siya ay tatapusin niya ang kontrata." Sabi ni Dad
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?