Umaga na at kailangan ko ng magprepare para sa paglabas namin mamaya ni Kenneth.
Mamamasyal lang naman kami sa paligid ng Eiffel Tower kaya naeexcite ako. Nung araw na dumating kami dito ni Kit ay diretso training agad. Kaya hindi ako, kami nabigyan ng pagkakataon para makapaglibot sa Eiffel Tower. Kapag may pagkakataon naman ako si Kit naman ang wala. Kaya ang saya ko talaga ngayon eh.
"Oh? Aalis ka ba? Aga mo nagising ah?" Tanong ni Tita Loe
"Opo tita. Mamamasyal lang ulit." Sabi ko
"Napapadalas na yan ah? May kasama ka ba?" Tanong ni Tita Loe
"Opo. Tsaka titignan ko na lang din po kung makakasama si Kit. Tsaka Tita, gagabihin po kami" sabi ko
Ayoko ng gumala kasama si Kenneth ng kaming dalawa lang. Awkward eh. Simula nung ginamit ko siya para makuha yung deal kahapon, feeling ko may gap. Lalo pa ngayon na, nagpaparamdam pa siya ng you know.
Sakto naman at bumaba si Kit galing sa kwarto niya. Sasama naman siguro 'to diba?
"Kit samahan mo si Angela, maggagala daw kayo. May kasama naman daw siya eh, iba na kapag may kakilala" sabi ni Aunt Loe kay Kit
Napatingin sa akin si Kit. Hindi ko pa naman nababanggit kay Aunt Loe na may kakilala na kami dito.
"Sige po" bumaling naman siya sa akin "ngayon na ba tayo aalis Angge?"
Agad akong tumango "Susunduin tayo ni Kenneth"
Nagkibit balikat na lang siya. Sakto din namang dumating si Kenneth. Bakas pa sa mukha niya ang pagkagulat.
"Akala ko tayo lang" tawa niya
Napalingon agad si Kit.
"Ayaw mo ba? Sayang... hindi ko pinapayagan si Angela gumala kasama ang hindi kakilala" sabi ni Kit
"Talaga? Kaya pala kahapon magkasama kami..." pagtatama ni Kenneth
Umiling ako at pinilit kong pigilan ang namumuong tensyon sa kanilang dalawa. Umagang-umaga magaaway.
Pero gaya ng inaasahan hindi ko 'to kaya ng ako lang. Lalaki sila, syempre mamaya magsuntukan ako pa masuntok. Sayang naman ang mala dyosa kong mukha.
"Nandoon ako. Sa labas..." sabi ni Kit
Napalingon ako sa kanya. Sa labas? Hindi niya nga alam na kasama ko si Kenneth kahapon eh, nagulat na lang siya nung hinatid ako dito sa bahay.
Binulungan ko siya "sa labas? Wala ka doon kahapon"
Bumulong din siya sa akin "oo sa labas. Labas ng pintuan nung hinatid ka niya" sabay kindat
"Gago" sabi ko
Pagkatapos noon ay nakita kong nakatitig sa amin si Kenneth.
"Finish that chit-chat? Are we going or not?" Tanong niya
Lumabas na siya at dumiretso na sa sasakyan. Palabas na din sana ako ng hinigit nanaman ako ni Kit.
"Mas gusto ko si Jerome... I swear! Papatayin ko lang 'yan kapag naging kayo."sabi niya
"Hindi magiging kami." Sabi ko
Tumango tango na lang siya at naglakad na din papunta sa kotse ni Kenneth. Hindi pa naman kami nakakabili ng kotse dahil malapit lang ang trabaho, pero sa nangyayari? Baka sumpungin ng kabaliwan si Kit at magpabili ng kotse bukas na bukas.
"Dito ka sa harap Angela?" Tanong ni Kenneth
"Uhh... s-"
"Hindi, sa likod siya. Dito ako sa harap." Sabi ni Kit
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?