C25

42 2 0
                                    

Pagkatapos ng nangari ay hinatid niya na ako sa bahay. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kaya nahihiya ako sa mga kaklase ko. Lalo na kay Lourde dahil siya ang nagimbita.

"Angela anong nangyari? Sinundo ka ba ng parents mo?" Tanong ni Valerie

"Uh... oo" I lied

"Akala namin may nangyari ng masama. Kasama mo ba si Jerome?" Tanong naman ni Meryll

"Siya ang naghatid.... sa akin sa parents ko"

"Aga niyong umuwi. Saya pa naman ng party" sabi ni Yuri

"Oo saya magbuhat. Tss..." sabi ni Mitch

Naglasing nanaman ng sobra ang mga babaeng 'to. Buti na lang may mga kaklase pa din kaming hindi umiinom at sila ang nagaalaga sa mga nakainom.

"Ang bigat nila" tawa ni Valerie at shen-shen

"Sorry na. Magandang memory yun! Haha" sabi ni Kate

Isa din itong babaeng ito. Nako nako. Ang kalokohan talaga ng section namin.

"Yaan niyo na. Minsan lang naman" sabi ko

"Gaano kadalas ang minsan?" Tawa ni Ice

"Corny dude" sabay na sabi ni Sam at Victoria

Nagdirediretso na kami sa room. Konti pa lang kami sa room. Siguro hang-over pa. Sana walang klase. Kaso malabo dahil graduating na kami tambak na requirements 'to panigurado.

"Asan yung iba? Konti pa lang natin" tanong ko

"Hindi papasok. 'Wag na kaya tayo pumasok? Di na magkakaklase ngayon ang konti natin" sabi ni Mitch

Hindi ko pa din nakikita si Jerome. Ang alam ko umuwi na siya pagkahatid niya sa akin. Papasok kaya siya? Siguro tulog pa iyon o inaantok.

Ako:

Goodmorning sleepyhead. Wake up. Time for school. Di ka ba papasok?

Nilagay ko ang phone ko sa bulsa ko at nagsimulang maglakad lakad sa campus ng hillcrest. Ang konti naman ng tao ngayon. Ganito ba kapag kakatapos lang ng booths?

May ilan akong kakilalang nadadaanan pero wala yung hinahanap ko. Tinignan ko na lang din ang phone ko pero wala pa ring reply niya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Mukhang free day talaga ngayon ah?

Mitchell:

Dude. Uwi na lang kami san ka na? Sabay sabay na tayo?

Hindi na ako nagreply at dirediretsong naglakad pabalik ng cafeteria. Nandoon nga sila puno ng pagkain at eto ako nahihilo. Hindi naman ako uminom ah?

"Putla mo Angela. Anong nangyari sayo? Uwi na tayo" sabi ni Kit

"May nakain siguro akong iba. Tara na"

Umalis na kami. Hindi ako sanay na walang Jerome na nangungulit, nagpapacute, nangaasar. Ewan namimiss ko lang talaga siya.

Pagkarating ko sa bahay nagulat ako na nandoon ang parents ko. Nagsisigawan nanaman sila as usual. Wala namang bago. Kaya imbis na harapin sila ay dirediretso na lang akong pumasok. Baka lalo lang akong mahilo.

"Anak... pasensya. Ano kasi-"

"Mom. Tama na po. Okay na po iyon. Sanay na ako. Just... I need to rest" sabi ko

"May masakit ba sa iyo?" Tanong ni dad

"Wala po. Sige na pagusapan niyo na lang problema niyo. Ayoko na pong dumagdag. Excuse me"

"Angela namumutla ka"

"Okay nga lang po ako"

Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin nila. Sumasakit na ang ulo ko at baka himatayin pa ako. Hindi ko alam kung ano nanamang pinagtatalunan nila. Nakakainis kasi yung bahay na 'to punong-puno na ng hinanakit nilang dalawa. Naramdaman ko na lang na nasa kama ko na ako ay agad na bumigat ang mga mata ko. Damn! Anong nangyayari sa akin?

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon