Nandito na nga ako. Sa dreamplace ko. Simula ng napadpad na ako dito ay parang back to zero ang buhay ko. Kapamilya ko lang ang kakilala ko, which is si Tita Loe at Kit.
Tuwing papasok ako sa kumpanya nila tita Loe ay op ako sa lahat. Hindi ko sila maintindihan, bukod na lang kapag nageenglish na sila.
At dahil isa ako sa boss, konti lang ang nagtatangkang makipagusap ng pormal sa akin. Naiintindihan ko naman, at ganon sila rumespeto.
Sa anim na buwan na pagiistay ko dito, wala akong ginawa kundi bahay - trabaho - bahay. Minsan lang ako umaalis kapag walang ginagawa si Kit.
"Aunt Loe, magjojogging lang po ako sa labas" sabi ko
"Buti naman at naglalalabas ka na magisa. Lagi mo iniintay si Kit eh. Tama yan! Para hindi puro trabaho ang iniisip mo. Sige, magingat ka na lang" sabi niya
Kung pwede lang talaga ibalik ang mga panahong nasa Pilipinas lang ako... masaya at malaya pa.
Akala ko kapag nagtrabaho na ako, mas masaya. Kasi walang test, walang maingay na teacher, walang projects, walang thesis. Akala ko madaling magtrabaho kasi pera mo na yung gamit mo. Hindi na limited yung allowance. Ikaw na yung nagbubudget. Pero, hindi lang pala doon umiikot ang lahat.
Sa tuwing nagtetrain ako ng mga managers dito, pakiramdam ko ibang tao ako. Hindi ako si Angela na easy-go-lucky. Hindi ako si Angela na maingay. Kundi si Angela na boss. Si Angela na dapat professional sa lahat. Si Angela na kagalang-galang.
Di ko alam kung matagal na ba ang anim na buwan para sa propesyong ito na masanay ako. Kasi parang araw-araw naninibago pa din ako.
Pagkabalik ko ng bahay ay nagaalmusal na si Kit. May trabaho kaya 'to ngayon?
"Angela may gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya
"Wala naman. Bakit?" Tanong ko
"Gala tayo! Gamitin ulit natin yung bike. Nakakasawa na ceiling dito eh" sabi niya
"Sige maliligo lang ako" sabi ko
Naghanda ako ng masusuot. Simple at kumportableng damit lang para mas madaling magbike. Naeexcite ako kahit papaano.
"Yan na suot mo?" Tanong ko
Paano ba naman. Naka sando at shorts lang.
"Magpapalit pa ako ng tshirt. Tsaka jogging pants. Hintay kasi! Lagi kang nagmamadali" sabi niya
Nagpunta na siya sa kwarto niya. Sige! Bagalan pa niya, minsan na lang ako maexcite sa buhay ko eh tatagalan pa niya. Buhay nga naman eh.
"Wow! Sa tagal mong magbihis eh yan lang ang isusuot mo? Mas matagal ka pa sa akin ha? Nakakahiya sayo!" Sabi ko
"Aga aga bad mood! Meron ka ba ngayon ha?" Tanong niya
Gago 'to! Pakelam niya? Magjojogging ba ako ng maaga kung meron ako? Nakakatamad kaya bumangon kapag meron lalo na kapag malamig. Tanga talaga. Kaya iniiwan eh.
Bago kami lumabas ay sinuot namin ang aming jackets. Nakakatamad naman kung maglalakad nanaman kaya gumamit kami ng bike.
Nagikot kami sa may Park. Lagi na kaming napapadpad dito bago pumasok sa trabaho. Minsan para guluhin yung mga ibon, minsan para makalabas ng stress.
Feeling ko kasi kapag nandito ako, magisa, mas nakakapagisip isip ako ng mga nagyari, nangyayari, at mangyayari sa buhay ko.
Minsan naiisip ko din na kung hindi kaya ako umalis? Kung hindi ko sinunod si Dad? Ano ako noon? Ano kami... noon.
"Angela! Ang bagal mo namang mag-bike! May sakit ka ba?" Tanong ni Kit
Napailing na lang ako at hinabol siya. Sana ganito kadali ang buhay. Sana.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?