"Ano ng balak natin guys?" tanong ni Rochelle
"Saan ang next gala? May paga-adventuran pa ba tayo?" tanong ni Khrystine
"Oo naman. Madami pa. Anong bang trip niyo ngayon?" tanong ko
"Hanging bridge? Meron dito, yung mga dinadaanan ng mga katutubo papuntang bundok. Gusto niyo?" tanong ni Kit
"Oo!" sigaw nila
Agad na silang naligo at nagbihis. Saglit lang itong gala namin kaya a simple tee and leggings and rubbershoes will do
"3 yung bridge doon muna tayo sa mababa na kasing taas nung bahay nila Rochelle" tawa ko
"Di nga? Ang taas na kaya non!" sabi ni Rochelle
"Natural. Nag hanging bridge ka pa kung mababa lang din naman" sabi ni Kit
"Duh? Meron kaya" sabi ni Rochelle
"Tara na! Magaway pa kayo diyan" saway ni Valerie
Ang ingay nilang lahat. Akala mong di pa naghanging bridge yung iba. Nakalabas nanaman yung mga camera...
"Finally! Kanina pa ako excited!" sigaw ni Yuri
"Di naman halata" sabi ni Mitch
"C'mon!" yaya ni Sam
Nauna si Kit. Di kaya maputol to sa kalikutan namin? Gagawa kami ng hanging bridge pag nasira namin to...
"Wag kayong malikot! Nangangatog na ko!" tili ni Jackie
"Wag ka maingay nabibingi na ako sa iba dadagdagan mo pa!" saway ko
"What the fvck! Wag ka ngang talon ng talon Joshua! Papatayin talaga kita kapag nakaabot ako sa dulo!" sigaw ni Rochelle
"Kung kaya mo! Wala ka pa ngang gitna!" asar ni Joshua sa dulo
Kahit ako naloloka sa pagyugyog niya. Kung ano anong pumapasok sa isp ko. Naiisip kong mapipigtal yung tali, malalaglag ako, lulusot yug paa ko. Yung boys na lang ang nageenjoy pati si Khrystine
"I swear! Tumigil nga kayo! Pag Naabutan ko kayo! Humanda kayo sakin" sigaw ni Mitch
"Paker! Lagot kayo sakin!" sigaw naman ni Yuri
"Guys. Ayoko na! Maloloka na ako!" sigaw ni Lourde
Sumama na yung ibang classmate ko sa kanya. Sa takot ko susunod na din ako. Mababa pa lang daw ito. Nakakatakot kasi harang lang tapos kahoy sa baba. Nako! Baka di na ako makasurvive sa mga susunod pa
Lahat kaming girls ay nagpaplano na ng revenge para sa mga boys. Hmm... Babawi din kami sa inyo sa bahay. Mas duwag pa kaya kayo samin
Dumating na yung boys. Tawanan sila ng tawanan. Hmm... Nasa amin ang huling halakhak
"Bakit di ka tumuloy?" tanong ni Jerome habang natatawa
"Nakakatakot kaya! Lagot kayo samin" sabi ko
"Eto naman. Tara na nga!" sabi niya
Imbis na maglakad ako lalo pa akong naestatwa. Yung kamay niya...
"Bakit?" tanong niya
"W-wala... Di l-lang ako sanay" ngumiti ako
Ngumiti siya. Ilang beses ko atang babangitin ang saya ngayon. Pero sa pagkakaalam ko, kulang pa ang salitang saya para sabihin ang nararamdaman ko
Nagpunta na kami sa 2 pang hanging bridge. Di ko kinaya. Sa 3 yun, an natawid ko lang yung gitna. Yun kasi ang sa tingin ko pinaka safe na daanan. This adventure is really going to kill me
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?