Pagtatapos

77 3 2
                                    

Salamat sa pagbabasa :) sana nagenjoy kayo kahit medyo namadali na, sorry. Kita kita na lang sa My Beautiful Memory, kung may balak pa kayong magbasa. Yun lang ^-^

-------------------------------------------------------------

Yung akala kong siya na sa panghabang buhay ko, pero hindi pala. Iyong naplano na namin ang lahat? Hindi pa pala kami.

Lahat ng iyon ay maling akala. Oo maling akala hanggang sa nakita ko ulit siya.

Hinanap ko siya pero di niya ako matandaan. Kaya ginawa ko ang lahat maalala niya lang ulit ako.

Ginawa ko iyon para maging magkaibigan na talaga kami. Hindi ko inasahan na mas higit pa pala sa kaibigan ang mangyayari.

Noong highschool ako akala ko si Lourde na. Hindi ba ganon naman talaga ang feeling kapag may mahal ka? Yung akala mo siya ng lahat lahat sayo pero hindi mo inaasahan ang mga pwedeng mangyari.

Noong panahong nakita ko na si Angela ay iba ang nararamdaman ko. Wala akong mapagsabihan kaya kinumpirma ko ng magisa.

Bago ko pa malaman ang tungkol kay Kit at Lourde ay lagi ko ng sinasamahan si Angela. Doon ko nalaman na hulog na ako sa kanya. Hulog na hulog.

Kaya noong nalaman ko ang tungkol kay Kit at Lourde, hindi ganoon katindi ang sakit na naramdaman ko. May kaonting sakit, siguro dahil na lang sa pagkabigla. Wala rin naman ako sa posisyon noon para magalit kay Lourde dahil walang kami, dahil sila naman ni Kit noong panahong iyon.

Naalala ko noong nasa San Jose, Nueva Ecija kami ay sobrang saya ko dahil nawala pansamantala ang mga problema. Kasama ko siya, si Angela, feeling ko okay na ako. Hanggang sa dumating na din pala sila Kit.

Noong mga oras na iyon iniisip kong nangaasar si Kit. Pero napagtanto ko ngayon na dahil sa love. Dahil sa pagmamahal kaya niya nagawa iyon. Kaya nga nagbati din kami kaagad diba?

Minahal ko din si Lourde. Pero hindi kasing tindi ng pagmamahal ko kay Angela. Di dahil nauna siya, pero siya yung taong nandoon nung nawala sa akin si Lourde.

Nung dumating ang problema sa kumpanya nila Lourde ay halos mabaliw na ako kakaisip ng paraan para 'wag akong maikasal kay Lourde, o kahit sa iba pang tao. Gusto ko si Angela lang. Gusto ko kami lang.

Noong kinakausap ako ng daddy niya ay lagi akong kinakabahan. Na baka dahil sa problema namin ni Angela ay ayawan na niya ako bilang manugang niya. Pero nagkamali ako, siya pa ang tumulong sa akin. Sa amin. Laking pasasalamat ko na kahit anong mangyari, ay pinilit ng daddy ni Angela na mailipat kay Kit ang kasal.

Noong nabanggit na sa akin ang 4 na taong pagiistay ni Angela sa France ay gustong-gusto kong sumunod. Pero, hiningi ng daddy niya na 'wag dahil nga, gusto niyang siguraduhin ng anak niya ang nararamdaman nito para sa akin.

Kahit na sa bawat gabi noon ay kinakabahan ako dahil baka maagaw na siya sa akin ng iba. Na dahil sa pinabayaan ko siyang umalis tulad ng sabi ng daddy niya ay makahanap siya ng taong mas karapatdapat ng pagmamahal niya.

Iniisip ko pa lang iyon ay gusto ko ng pumatay ng tao. Pero naisip ko din na baka lalo niya akong hindi mahalin. Namatay nga yung mahal niyang bago, kinasusuklaman naman niya ako. Kaya inisip ko din na kumabit na lang. Kung hindi ako masaya, lalong dapat siya. Guguluhin ko siya hanggang sa ako na lang ulit ang mahalin niya. Selfish but I can do it. Really.

Kaya noong bumalik siya dito ay natuwa ako lalo ng wala pala siyang nakarelasyon pagkatapos ko. Gusto ko ako ang una niya. Unang lahat. First kiss, which is ako nga. First boyfriend, na ako rin. First sex. Pero syempre first and last husband.

Naputol ang pagiimagine ko ng mga nangyari dahil gumalaw siya.

"Gising ka na pala..." sabi ko

"Gagi ka Jerome! Ilang beses 'to ha? Malapit na ang kasal nakapagsukat na tayong lahat! Bubuntisin mo na ba ako?" Sigaw niya

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon