Inaabangan ko na lang ang sagot ng girls at matutuloy ang plano naming boys. Di ako mapakali na wala akong nagawa sa kanya. Gusto ko everyday memorable.
"Tuloy ba mamaya?" tanon ni Angela
" "Yeah. Bakit?" tanong ni Shen-shen
"Ehem. Kamay. Kamay. Ehem." tawa nila
Gusto niyang bumitaw. Ako ayoko. Kaya lalo kong hinawakan ang kamay niya.
"Sasama kasi ako" sabi ko
"Di nga?" tanong nila
Dapat pala natutunan ko talaga makisama. Para naniniwala na sila pag kasama ako.
Hindi naman dahil sa binabantayan ko si Angela... I trust her. May surprise lang talagang nagiintay sa kanya.
"Oo nga..." sabi ko
"Kayo na ba?" tanong ni Mitch
Tinignan ko siya at sakto namang nakatingin na din siya sa akin. Tumango siya, alam ko naman na studies muna.
"Hindi pa... Pero malapit na" ngumiti ako
Nagtanguan lang ang mga kaklase ko. Okay. It's final. Sasama kaming boys at tuloy ang surprise.
Pagkatapos ay dumiretso na ang iba sa classroom. Wala akong ibang maisip kundi sana maayos yung surprise.
Pumasok na si Mr. de Vera. Naiinis ako minsan dito kasi, may itsura tong teacher na to. Tapos si Angela, sagot pa ng sagot. Di ko alam mali-liit na bagay pinagseselosan ko na. Ang lakas ng tama ko sa babaeng yan.
Wala tuloy akong ibang ginawa kundi isulat na lang yung lesson niya, para di makita si Angela. Pero di ko naman maiwasan.
Tinititigan ko siya. Seryoso siya sa pagsusulat. Ngayon lang ako nakakota ng girl na mahal na mahal ang Math. Nakangiti na ata ako ngayon.
Naramdaman niya siguro na nakatitig ako sa kanya. Tumingin siya sa akin. Nginitian niya din ako. Simpleng ngiti niya lang, ang lakas na ng tama sa akin.
Break time na. Tinignan ko si Angela, tumango siya. At alam na ng mga girls na nasabihan ko ang gagawin.
Pumunta kami sa likod ng school. Inaantay naming mga boys si Airene, Valerie, Victoria, at Mae.
"So, what's your plan?" tanong ni Airene
"Nagplano kami na sosorpresahin ko siya sa Burgoo" sabi ko
"Paanong sorpresa?" tanong ni Mae
"Kakanta siya?" sabi ni Aldridge
Di ko alam kung magugustuhan ni Angela boses ko. Di ako sigurado kung maganda, but I'll do my best.
"Maganda yan. Mas gusto ni Angela ng galing sa heart kesa puro gastos" sabi ni Valerie
"Pero sa gagawin mamaya may gastos pa din" sabi ni Victoria
"Ano naman? Mahalaga nasorpresa ni Jerome si Angela" sabi ni Joshua
"Oo nga. Basta masaya yung babaeng mahal niya... Yiee" tukso sa akin ni Brylle
"Ewan sa inyo!" sabi ko
Natatawa na lang ako sa pinagsasabi nila. Lagi nila akong tinutukso. Lalo na siguro si Angela.
Nagpunta na kami agad sa mall. Pero yung girls pinabalik namin, may klase pa kami. Okay na yung kami na lang boys ang absent.
Nakipagusap kami sa restaurant. Pumayag naman sila dahil maeentertain ko din daw yung ibang customers. Buti na lang talaga. Nagpareserve na din kami ng seats. good for 26 people. Gusto ko makita nila lahat ng effort ko. Gusto ko malaman nila na akin siya at sa kanya lang ako.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?