Maaga akong pumasok ngayon. Di dahil sa magyayabang ako sa kanya kundi, pagtutonan ko ng pansin ang libro sa library. Tamang pagaaral na lang ang alalahanin ko ng sobra hindi siya.
Pero hindi naman maiiwasan yun eh. Hindi rin ganun kadali. Ang hirap na pinagmukha kong matatag yung sarili ko sa harapan niya na alam kong hindi ko pala kakayanin. Isang katangahang desisyon nanaman ang ginawa ko.
Sabi ko kapag nalaman ko ang lahat matatapos ko kaagad yung sakit. Akala ko mas madali. Akala ko mas magiging maayos, masaya. Kabaliktaran pala.
Wala namang makakakita sa aking umiiyak ngayon. Walang magiinteres na pumasok ng ganitong kaaga para sa mga tamad na estudyanteng walang inatupag kundi ipagmalaki na mayaman sila. Kung ganon din kaya ang ugali ko makakaramdam ba ako ng sakit ngayon?
Para na talaga akong tanga na umiiyak papuntang library. Para akong batang inagawan ng candy. Why the hell is this life of mine is so unfair!
Kinakabahan ako mamaya pagpasok ko. Hindi dahil nandoon si Lourde at Jerome. Hindi pa alam ng iba kong kaklase na hindi na kami M.U. although di naman nila kailangang malaman. Pero baka tuksuhin kami at di ako makapagpigil.
Ang bigat sa pakiramdam nung mga desisyong ginawa ko hanggang ngayon. Kung pwede lang kasing ibalik gagawin ko. Pero ikakasal na sila. Ako na rin ang may sabing ituloy na lang nila. Malamang inaayos na ang mga bisita at date ng kasal nila.
"Aga aga mugto na ang mata natin ah. Anong meron?" tanong ni Meryll
Buti pa siya nakakangiti. Hindi kami ganon ka-close pero masasabi kong isa siya sa tao sa room na pwedeng-pwede mong sabihan ng problema mo.
Pinunasan ko ang luha ko. Nakakahiya to. Sa library pa talaga niya ako nakitang ganito. Fuck!
"W-wala to. Ang tindi k-kasi nung nabasa ko hehe" sabi ko at pilit na tumawa
Pilitin ko mang magkunwari alam kong malalaman niya parin na nagsisinungaling ako.
"Di ka pwedeng pang acting. Ano nga? Pwede naman kasi akong pagsabihan" ngumiti siya
Buti pa siya nakakangiti. Ang saya siguro ng buhay niya. Sana ganon na lang din ako.
"Hiwalay na kayo?" tanong niya
Wala pa akong sinasabi nagugulat na siya. Itong babaeng to. May kagagahan ding taglay.
"Wala naman talagang kami..." sabi ko
Napayuko na lang ako. Ayan nanaman ang mga luhang nagbabadyang tumakas sa eye bags ko. Kasi Angela paka-tanga tapos ngayon gustong bawiin!
"Sus. Para na din namang kayo. Panigurado di mo kayang magkwento. Pero wag ka namang umiyak. Mamaya may pumasok dito isipin pang inaaway kita. Nako mamaya ipatawag pa tayo. Tigil na ha?" sabi niya
Kahit papano natawa ako doon. May pagka-joker/over reacting din siya. Pinunasan ko ang luha ko ulit at nagsimula kaming basahin na lang yung librong hawak namin.
"Ay paanong di ka naman maiiyak sa tindi ng binabasa mo. Eh History kaya 'yan. Nakakaiyak na pala si Jose Rizal ngayon no?" sabi ni Meryll
Di ko napansin na ito ang nakuha ko. Dati nagtanong pa teacher ko nung high school kung ano daw ang masasabi namin sa mga History teachers. Sabi ko 'ma'am hindi niyo po maintindihan ang past is past. Pilit niyo pong binabalikan eh nakaraan na po. Hindi na po mababago iyon' sabi ko at nagtawanan ang mga classmates ko.
Now. It hit me. My words before hit me.
"Tapos maaalala mo yung past niyo kaya naiiyak ka nanaman ngayon? Teka nga ikukuha kita ng Math book. Para sumaya ka" sabi ni Meryll
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?