Eto na kami nagaayos para sa horror booth namin. Hanggang ngayon nagdududa pa din si Joshua sa pananakot namin sa horror booth. Ewan ang hangin niya lang talaga.
Bumili kami ng black curtains, dark poster colors, markers, cartons, and woods. Syempre di mawawala ang make-up, costume, at masks. Syempre lahat kami busy dahil bukas na ito. Paano kaya kami mananakot? Matakot kaya sila? Sana hindi kami pumalpak.
"Guys! Yung ibang drawings okay na ba?" Tanong ni Lourde
Yup. Siya ang naatasan na mag-lead ng gawain naming 'to. Sana talaga successful siya. Excited and at the same time nervous.
"Oo ayos na. Madali lang naman eh. May iba pa bang pwedeng gawin?" Tanong ni Amber
"Tulungan mo na lang kami dito ni Airene. Para mabilis matapos" sabi naman ni Sapphire
"Ayun pala eh. Doon daw" sabi ni Lourde
Tumango na si Amber at nagpunta doon. Yung tatlong yun ang mga artistic sa amin. Ang galing talaga nila kaya tiwala naman kami sa drawings.
"Angela. Here's your water" abot ni Jerome
"Di naman ako humingi ah?" Tanong ko tapos tinawanan niya ako
"Ayaw mo? Akin na lang" sabi niya
Syempre kanina pa ako gumagawa dito kaya nauuhaw na ako. Kinuha ko na at ininom lahat.
"Akala ko ayaw mo kunwari ka pa eh. Kamusta?" Tanong niya
Di ba dapat ako ang nagtatanong niyan kasi lima lang sila at sila pa yung tagabuhat, tagamartilyo ng kung ano ano? Kayang kaya kong magkulay no?
"Ayos lang. Ikaw? Kanina pa kayo nagbubuhat ah?" Tanong ko
"Oo nga eh nakakapagod. Wala bang..." sinenyasan niya akong lumapit "kiss diyan?"
Lumayo ako agad at hinampas siya. Ang landi! Napabalikwas tuloy siya sa palo ko.
"Masakit! Lagi mo na lang ba akong sasaktan?" Tanong niya
"Ang corny mo! Tss..." sabi ko at umiling pa
"Ako corny?" Tanong niya habang nakataas ang kilay
"Yeah bro, ang corny mo" singit ni Kit
Natawa ako kaya sinamaan niya ako ng tingin. Oras kasi ng trabaho kung ano-anong pinagsasasabi. Tapos lumapit siya sa tenga ko sabay bulong.
"Itong corny na 'to baliw na baliw sayo" tapos kinindatan ako at umalis na
Balik trabaho na siya pagkatapos sabihin iyon. Puro kalandian lang ang alam. Since patapos na ako sa pagkukulay ay tumulong na lang ako sa iba ko pang classmate. Malapit na kaming matapos kaya kahit na gutom na ang lahat pinagpatuloy lang namin ang paggawa.
Minsan tinitignan ko si Jerome at pangisi-ngisi ang loko. Konti na lang magsusuggest na akong dalhin iyon sa mental. Pero mukhang mahirap nga talaga ang ginagawa ng boys pawis na pawis na sila eh.
Sa pagiisip kong dalin siya sa mental ay pati ata utak ko napagod na. Ang dami ko ng nagawa, palipat-lipat kung kani-kanino tumutulong. Naubos na din ang hawak kong black na crayon. Tinignan ko ang mga kaklase ko at sa tingin ko ay pagod na din sila.
"This is seriously a shit" iling ni Sam
"Gutom na ko!" Hirit ni Yuri
Napailing ako. Lahat kami ganito ang nararamdaman. Para sa happiness gagawin lahat. Nakakapagod din talaga.
"Hindi lang kayo. Kaya tapusin na lang natin ito. Mamaya kumain tayo sa... as usual sa Mcdo nanaman" iling ni Joshua
"Arte neto! Okay lang 'yan. Basta gutom wala ng pili!" sabat ni Khrystine
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?