"Marami ka bang friends? Even before?" tanong ko
"Uhh... No. Lagi ko lang kasama yung mga pinsan ko. Di ako pinapayagang lumabas strict before si daddy. Pero ngayon he gives me freedom na" sabi niya at ngumiti
Di pa rin siya nagbabago. Pala ngiti. Kaya gustong-gusto ko siyang maging kaibigan eh
"So wala kang nakalaro kahit isang beses?" tanong ko
"Meron. Kaso di ko alam name niya. Pero alam ko itsura niya" sabi niya
Hindi ko naiintindihan yung nararamdaman ko. Bakit ganito? Anong nangyayari?
"Pag nakita mo siya maaalala mo kung sino siya?" tanong ko ulit
Bakit di niya matandaan? Nag-iba ba ako?
"Oo naman! Ugali pa lang niya makikilala ko na" sabi niya
Alam ko sa sarili ko mismo madaming nagbago. Paano niya ako maaalala ulit?
"Paano kung... nagbago na pala ng ugali yung bata?" tanong ko
Di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na kung sakali. Meron pa akong pwedeng gawin para makilala, o maalala niya ulit ako
"Depende na lang siguro kung makita ko yung mukha niya" sabi niya
"Hmm... Paano kung nagbago kasi... Nagbinata na siya?" tanong ko ulit
Nawawala na ako sa sarili ko. Ganon talaga siya kaimportante sa akin
"Ewan... Bahala na siguro" sabi niya
Natahimik ako. Masyado ba talagang maraming nagbago? Gaya nga ng sabi ko. Oo...
"Bakit ka na cucurious sa batang yun?" tanong niya
"Naisip ko lang. Para may topic tayo" sabi ko
Wala akong maisip na ibang dahilan. Di pa naman panahon para malaman niya. Gusto ko siya ang makakilala sa akin, hindi yung ako yung magsasabi
Unang araw pa lang niya sa klase nakilala ko na siya agad. Bakit ako hindi niya nakilala?
Ilang beses ko na siyang nakikitang nakatitig sa akin. Iniisip kong nakikilala niya ako. Kaya naisip kong kausapin siya ng dalawa lang kami. Kaso hindi niya pala ako maalala
Kaya nung minsang kausap niya pa yung pinsan niyang si Kit, Ay naiinggit ako. Sana ganon na lang din kami. Naiisip ko ding kung hindi kaya sila umalis noon, ano kaya kami ngayon?
Noong araw na yun, mag-isa lang akong naglalaro lagi sa subdivision. Wala namang lumalapit para makipaglaro dahil kanya-kanya na ang mga bata ng mundo
Kaya ng nakakita ako ng batang nagiisa agad ko siyang nilapitan
"Bata. Bakit mag-isa ka lang? Bago ka ba dito? Di kita nakikita dati eh" sunod-sunod kong tanong
Ito ang unang beses na may makakausap ako na batang ka edad ko
"Dati pa ako dito. Di lang talaga ako pinapalabas ni Daddy" mahinhin niyang sabi
Tinitigan ko yung batang babae. Ang ganda niya. Alam ko na bata pa ako, pero di naman maiiwasan ang crush diba?
Siya ang unang batang kumausap sa akin. Kaya simula ngayon mahalaga na siya sa akin
"Doon tayo sa swing. Gusto mo ba doon?" alok ko sa kanya
Parang natakot siya na ewan. Oo nga pala! Di siya lumalabas ng bahay
"Natatakot ako. Pero itatry ko. Masaya ba yan?" sabi niya at ngumiti
Imbis na sagutin ko siya ay napatitig na lamang ako. Ang tapang niya at ang ganda niya lalo kapag nakangiti
"May dumi ba ako sa mukha? Bakit ka nakatitig?" tumawa siya
"Wala. Tara na!" aya ko
Tuwang-tuwa siya. Parang ngayon pa lang siya nakaexperience ng sobrang saya
Kahit ako sobrang saya. Ang saya niyang kasama kaya naglaro kami hanggang hapon. Sana araw-araw na siyang payagang lumabas
May dumating na batang mas matanda lang ng isang taon siguro sa amin. Lalaki siya kaya akala ko aawayin niya yung batang kanina ko pa kalaro kaya nilagay ko siya sa may likudan ko
"Bata anong ginagawa mo? Pinsan ko yan" pinsan pala
"Sorry akala ko aawayin mo siya" sabi ko
Kinausap niya yung bata. Di ko naman marinig kasi medyo lumayo sila ng konti. Parang nalungkot yung batang babae sa paguusap nila nung pinsan niya
Naisip kong kanina pa kami nagtatawagan ng bata. Ni hindi ko naisip na itanong yung pangalan niya dahil sa excitement ko makipaglaro
"Uy. Bata sorry nakaimpake na pala kami. Aalis na kami babye" kumaway pa siya
"Teka san kayo pupunta? malayo ba?" tanong ko
"Di ko alam eh pero an--" naputol yung tanong niya kasi tinawag na siya
"Angela! Baka mapagalitan tayo" tawag sa kanya nung pinsan niya
Angela pala ang pangalan niya. Tama lang sa mukha at ugaling niyang mala anghel
Simula nung umalis sila di na ako lalo lumabas ng bahay. Kaya madaming nagbago. Lalo akong hindi nakikipagusap. Minsan lang kung kinakailangan. Pakiramdam ko ayaw sa akin ng lahat kaya pinili ko na lang maging mag-isa
Di ko alam kung tama bang sabihin na si Angela yung first love ko. Kasi ang laki talaga nung epekto niya sa akin kahit isang araw lang kaming nagkakilala. Alam kong puppy love lang iyon
Hindi ko alam kung bakit hindi ako masyadong naapektuhan sa nangyari tungkol kay Lourde at Kit noong isang araw
Nasaktan ako siyempre pero hindi kasing sakit tulad ng mga sinasabi nila. Naiyak ako sa una dahil sa pagkabigla at may halong sakit
Pero nung umiyak ako di ko alam bakit napahalo si Angela. Yung ngumingiti siya sa harap ng iba naming kaklase pati sa lalaki kaso pagdating sa akin parang duda, takot, at inis kapag nakikita niya ako
Si Kit kaya? Nung unang beses niya akong nakita, nakilala kaya niya agad ako?
Kaya hindi ako nagkukwento kasi nahihiya ako na parang ang babaw at ang bilis kong magkagusto sa tao
Kung maging madaldal at mabait kaya ako kapag kaharap ko siya?
Di ko alam kung buo pa ba ang pagtingin ko kay Lourde. Sa isang araw na nagkausap kami ni Angela parang nabalik yung dati
Naibalik nanaman yung isang araw. Ayoko na sanang maging isang araw. Kung siya di niya ako makilala... Ako di ko siya nakalimutan. Sana magkakilala na kami ng mas maayos. Magkasama ng mas maayos, masaya, at matagal
Naguguluhan ako sa sarili ko. Bakit ganon kabilis ang nararamdaman ko kapag nandiyan si Angela? Pagkatapos naming mag-usap kahapon di na siya matanggal sa isip ko. Parang ang bilis kong naisantabi yung para kay Lourde. Is it possible that puppy love turn into real one?
Mahal ko pa ba si Lourde? Gusto ko na ba si Angela?
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?