"Ha?" paano naman niya nalaman yun eh hindi nga yan tumitingin eh
"Bakit mo ko tinititigan?" tanong niya ulit
"Hindi po! Bakit big deal sayo yun?" totoo naman eh anong mapapala niya sa titig ko?
May pahabol pa sana akong tanong kaso ayun inalisan niya ako. Iniwan ako mag-isa. Ano bang problema nun?
Favorite siguro ni Khrystine ang science. Hala siya nagtetake down notes. Ewan pero mas gusto ko ang math, pero gusto ko din ang science
Pag nagagawi ako sa lalaking iyon ewan parang kilala ko siya na hindi. Cold eyes, cold stare, cold voice. May mas lalamig pa kaya sa kanya? O may ilalamig pa kaya siya?
Halos buong subject patingin-tingin ako sa kanya. Kung may gagawa din sakin niyan tatanungin ko din siya kung bakit niya ako tinitignan. Naiinis ako kung bakit kailangan ko pa siyang tignan.
Pumasok na yung isa kong classmate. Parehas na parehas sila. Naka earphones lang at nakatitig kung saan. Siya pala yung tinutukoy nila. Ganyan naman talaga yan. Kapag di ako.
Pero ang wierd nilang 5. Oo 5. Sa 26 na tao sa classroom na ito 5 lang ang lalaki. Sayang.
"Angela. Don't you have any thing to do aside from staring at them?" tanong ni Sam
"I'm not. I'm just... analyzing the faces of my new classmates" rason ko pero kasi parang... ewan!
"K. fine" sabi niya
"Tara na sa caf. nagugutom na ako" reklamo ni Yuri
"Kelan ka ba nabusog?" tanong ni Sam. Mark the sarcasm ganyan talaga siya
"Yaan mo na! Bili tayo ng kape" sabi naman ni Mitch
"Isa ka pa!" tawa naman ni Valerie Lopez. Isa ko pang kaklase. Happy Virus. Sabi nila di pa daw yan nagagalit ng higit sa 5 mins.
"Tara na, uubusin niyo yung oras kakasagutan diyan" sabi ni Rochelle Espanto super hinhin niyan
Pagkadating namin sa caf. dumiretso agad si Mitch at Yuri sa kape. Grabeng adik nila Nahila pa nila si Kate at Sam
So eto ako ngayon nakatunganga. Nang maisipan kong magcr. Yaan ng mag-isa.
Naglalakad lakad ako dahil hindi ko pa din to na tour ng maayos laging caf to room lang ang punta ko gawa nila laging gutom kaya naglakad lakad ako
"Nako sorry po. Di ko sinasadya" kalilinga linga ko nakabangga ako hay tatanga-tanga ka naman Angela
"Ok lang. Teka diba classmate kita?" tanong sa akin ni Kit
Nagpapatawa ito. Putek best actor.
"Oo. Angela Del Rosario" at naglahad ako ng kamay
"Kit Tamio" at ngumiti siya
Grabe ano ba yan. Natatawa lang ako sa ginagawa niya
"Nga pala sports fest na next month saan ka sasali?" sabi niya
"Badminton? Yun naman ang susubukan ko" sagot ko
"Hmm... Basketball pa din ako" sabi niya
"Ah. Anong oras na ba? Baka next subject na eh?" tanong ko
"Tara na 2 mins. before time" at tumawa pa siya nako lagot ako nito sa kanila
Tumakbo kami pabalik ng room at sakto namang wala pa ang teacher. Nakita ko rin ang ngisi nila Airene sa likod
"Angela ha! 2nd day..." tawa ni Khrystine
"What are you talking about? He's just being friendly" sabi ko
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?