Umaga nanaman. Ayoko pang pumasok! Bitin yung bakasyon. New school, New teachers, New Friends. Nae-excite ako. Dahil sa baon~ okay, makatayo na at makapagready para sa pagpasok sa school. Syempre kasama na ang pag-ligo
Pagkababa ko nakita ko sila mom and dad. Magkaaway nanaman sila, magkahiwalay yung dalawang upuan eh
"Anak eat with us" sabi ni Dad
"With us? magkaaway nga kayo. Kayo na lang sa school na ako kakain. Wala na po akong gana" sabi ko at umalis na
Hindi na din sila nagsalita. Gano'n ang ugali ko, dati pa. Ewan pero naiinis ako kapag ganon.
Ilang minuto lang ay binaba na ako ng driver namin sa school ko. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Grabe! Can't wait!
"Ms. Del Rosario?" tawag sa akin nung teacher nila
"Yes po?"
"You belong in my class. Come with me" sabi niya. Nakakatakot naman tong teacher na ito
Pagpasok ko madami na sila. Ganon ba talaga dito? Well ganon kasi samin maybe ganon din yung kanila.
May mga mukhang mabait at hindi. Be good to me. Madaming maganda at pogi. Hindi ako naiinsecure dahil alam ko sa sarili ko na may panlaban ang ganda ko.
Hindi naman ako mao-op may mga bumati na rin sa akin pagkaupo ko.
Pero meron akong isang lalaking kanina pa tinitignan. Ang cold nung expression niya. Ang gwapo niya kaso mukha siyang suplado. Kung kakausapin ko siya mukha namang may type ako sa kanya. Ang tangos ng ilong, cold eyes, ang cool. Ganyan yung type ko kaso gusto ko yung masaya padin siya pag kasama ako at loyal.
"Hi" naputol ang pagdedaydream ko sa kanya.
"Hello" sabi ko pabalik
"Transferee right? Ako si Candace Mitchelle Gonzales" sabay lahad niya ng kamay sa akin
Inabot ko ito bilang ganti. New friends arriving already.
"Angela Del Rosario" sabi ko
Nagkwento siya at ganun din ako. Nakakaaliw siya. Kung ngayon pa lang ay ganyan na siya paano pa kaya kung magtagal na ako dito? Edi ang baliw niya na?
Lumabas kami dahil nagbell na. Sabi niya ayaw niya naman akong iwan magisa dahil bago daw ako baka walang kumausap sa akin.
Kasama namin ang mga kaibigan niya. Pinakilala niya ako sa kanila.
"Yuri Mari Santos" ang baliw din ng isang to.
"Samantha Dela Cruz" sossy type person itong isang to. Buti at napasama ito sa mga iyon.
"Billy Khrystine Takano" sabay hagikgik niya. Isa pang baliw. Goodness! Paano natagalan ni Samantha itong mga ito?
Pero ang astig ng pangalan niya. Akin 1 word lang. Bakit kasi ang tamad ng parents ko
"Uh... Bakit ka nga pala napalipat dito?" tanong ni Yuri
"Family Business" am I rude? I'm just really shy
"Oh... Nakakastress yang palipat-lipat" tumawa kami
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin yung iba pa naming classmate
"Guys. Pakilala kayo sa kanya" yaya ni Mitch sa kanila
"Airene Kim" sabay ngiti niya sakin. Pakihanap ang mata.
"Shen-Shen Reyes" ngiti niya din
"Kate Ramos" at nagpeace sign sa akin
Ang daldal pala ng mga kaklase ko. I'm not usually as loud as them, but I'm sure I will. And they will make me.
"May napansin ako kanina" sabi ni Kate
"Tinititigan mo si ..." nginingitian niya lang kami lalo na ako. Sino ba?
"OMG! I wanna guess!" tili ni Samantha "Jerome right?" sabi niya
Tumawa sila lalo na si Kate. Anong masama kung titigan ko yung Jerome? Ganon ba lagi kapag may transferee dito? Sakanya ang tingin?
"Anong masama dun?" inosente kong tanong
"Wala. Kase may naakit nanaman sa matang cold niya. May isa pa tayong classmate na ganon. Di nga lang pumapasok ng 1st day of school yon. Boring daw. Tch." sabi ni Shen-Shen
Napansin kong hindi nagsasalita si Mitch. Ay! Nalamon sila ni Yuri. May kape pa! Kaya pala amoy kape
"Saan kayo bumili niyan?" sabi ko at natigilan ang lahat. Sila
lang kasi ang kumakain ang daya"Ang daya! Kayo lang nakain!" sigawan nila sa caf. at dinumog ang pagkain nung dalawa
"Guys parang wala kayong pera! Tara bili!" sabi ni Khrystine
At nagbilihan sila nung naubos nila yung pagkain nung dalawa at eto sila ngumangawa. Di din naman nagtagal bumili nanaman yung dalawa. Sumama ako para bumili din ng kape. Espresso sa akin. Kay Mitch cappuccino. At kay Yuri Black coffee. Tignan ko lang di maging dilat yun hanggang mamaya.
Bumalik kami sa room. Pagkapasok ko nakita ko agad yung Jerome. Naka earphones siya at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa. Tila walang kibo sa ingay ng grupo namin.
Tsaka sabi nila may classmate pa kaming ganyan. Ano kayang itsura non? Gwapo din kaya?
Napatingin nanaman ako sa lalaking yun. Napaka misteryoso naman ng isang yan. I wonder if he talks to this crazy people also.
Wala talaga siyang imik. Nakatingin lang sa board. Nakakainis na sa bawat titingin ako eh nakayuko, nakapikit, at tahimik lang talaga siya. Di man lang lumingon dito.
Anyway, bakit siya lilingon eh hindi naman kami close? Ni tignan niya ako di pa niya nagagawa.
"Baka matunaw naman yan ineng" bulong sa akin ni Mitch
"Hindi ko naman tinititigan" sabi ko
"Hindi daw" sabi niya at bumaling ulit sa iba naming classmate
Napagdesisyonan kong lunabas at magpunta sa toilet room. Magaayos na lang din muna ako. Nakakapagod pala ang maging bored sa mga teachers. Puro rules and regulations. On what they like and dislike.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako. Nagulat ako ng may humila sa akin papunta sa stock room ng school.
Pumalag ako dahil di ko naman ito kilala. Pero malakas siya dahil lalaki ito. Nakakainis kung pwede lang akong magwala dito eh kaso nakakahiya bago lang ako
Patay ang ilaw doon kaya binuksan niya. Nagulat naman ako.
"Ikaw? Bakit?" tanong ko kay Jerome. Magsasalita ba ito?
Pero imbes na sagutin ako ay tinitigan lang niya ako. Anong problema nito?
"Aren't you gonna speak? Fine!" sabi ko at akmang aalis na pero hinila niya ako pabalik
"Bakit mo ba ako tinititigan?" ang cold ng boses niya.
He got me
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?