Ang sarap ng tulog ko. Di ko alam kung kami na nga ba dahil nag-kiss na kami. Pero hindi ko pa naman siya sinasagot. Pero mukhang sinagot ko na din dahil pumayag akong mahalikan. Kung ano-ano nanaman ang iniisip ko.
"Goodmorning my beautiful daughter" bati ni Mom
Like hello? Para namang may magagawa pa siya eh nagiisang anak lang niya ako. Walang pagkukumparahan. tsk.
"I know ma. Matagal na" sabi ko
"Kanino pa ba magmamana?" tawa niya
"Kay Dad. Joke!" tawa ko
Tinitigan ako ni Mom tapos hinawakan pa yung leeg ko. Para saan yun?
"Mom? what is that for?" tanong ko
"Well... I'm just checking kung may sakit ka. Ang aga mo nagising eh" tawa niya
Kahit ako di ko alam kung bakit ang aga ko nagising. Siguro dahil maaga ako natulog? Or, buo ang tulog ko?
Napatingin ako sa may sala. Wala doon si Dad. Maaga nanaman kaya siya umalis para sa trabaho? Kagabi lang nandito pa yun ah?
"Mom where's Dad? Did he left for work, this early?" tanong ko
Tumingin sandali si Mom sa labas bago bumaling sa akin.
"Kasama yung boyfriend mo" sabi ni Mom
"Boyfriend?... i don't have one?" tawa ko
Pinalo ni Mom yung braso ko. Seriously? Hindi ko pa naman sinasagot si Jerome ah?
"Deny pa anak. Sinabi na samin ni Jerome. Naging official daw kayo kagabi. Okay lang atleast panatag ang loob ko na mababantayan ka niya ng husto at di ka niya hahayaang mapahamak" sabi ni Mom
"Then we should hire a guard instead?" sabi ko
Pagkasabi ko noon ay saktong pagpasok naman nila Jerome. Is this really going to be awkward?
"Goodmorning Angela" bati ni Jerome
"G-goodmorning Jerome" bati ko din
Nagwawala nanaman ang mga bulate ko sa tiyan. Nakakaloka na 'to. Kailangan ko ng magpapurga!
"May sakit ka ba anak? Agang gumising ah? May inaantay ka ba?" Tawa ni Dad
"Hmm... Kumain na nga kayo para maaga makaligpit si Manang" sabi ni Mom
"KJ" sabay kami ni dad
Habang kumakain kami hindi ko maiwasang mapatitig kay Jerome. Yung mata na cold, matangos na ilong, medyo maputi, makinis na mukha. Bakit ba ang gwapo niya lang talaga?
"Baka matunaw ako" ngisi niya kahit hindi nakatingin sa akin
Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Napabaling na ako kung saan. Tss. Nakakahiya.
"Aalis na po kami Sir" sabi ni Jerome
"Anyway hijo, you can call us Dad and Mom if it's okay with you" sabi ni Dad
Really anong plano ng dalawang ito? Nakakainis na.
"An honor po. Sige po... Dad , Mom" sabi ni Jerome
"Ingat kayo. Jerome, take care of my Daughter" sabi ni Mom
Ang OA lang? Parang ibibigay na ako kay Jerome ah? Parang ikakasal na, papasok lang naman sa school.
"I will po" sabi ni Jerome
Sumakay na kami sa sasakyan ni Jerome malapit lang naman ang school at maaga pa hindi ko alam bakit kailangan pang mag-kotse. Pwede ngang lakarin eh, kaso medyo matagal pero okay na din exercise sana yun.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?