"Nakapagusap na ba kayo ni Jerome?" tanong ni Yuri
Imbis na sagutin ko yun ay tumingin ako sa phone ko at naisipang itext siya. Ano pa kayang kasinungalingan ang maririnig ko?
Habang nagtatype ako ng message nanginginig yung kamay ko. Di ko na alam, natatakot ako.
Ako:
Tapos ka na Jerome? Kumakain ka na?
Nagintay ako ng reply. Tinitignan ko siya. Nagtype din siya ng message. Magsisinungaling talaga siya?
Jerome:
Oo kumakain na.
Oo kasama siya. Ang galing! Bakit kasi itatago pa? Maiintindihan ko naman kung sasabihin niya. Am I over reacting?
Ako:
Magisa ka lang?
Ilang minuto bago siya nakareply.
Jerome:
I'm with an... old friend
Old friend. Bakit di niya na lang sinabi? Kailangan ko talaga siyang makausap.
Ako:
Nasa bahay niyo?
Jerome:
Wala na ako sa bahay.
Aamin kaya ito? Sana sabihin niya yung totoo kapag nakapagusap na kami.
Ako:
Ganun ba? Sige ingat ka :)
Jerome:
Ikaw din.
Binaba niya yung phone niya. Samantalang ako nananatiling hawak ko yung phone ko. Nasasaktan ako. Kung walang tinatago bakit kailangang di sabihin?
Iniisip ko tuloy na totoo kaya yung mga sinabi niya dati? Masyado nga ata kami naging mabilis. Baka nabigla lang kami kasi magkakilala pala kami dati. Naexcite na akala namin dahil doon magiging masaya kami.
"Siya ba katext mo?" tanong ni Kit
"Patingin nga" sabi ni Mitch
Kinuha nila yung phone ko. Lahat sila tumingin doon. Di ko alam kung anong magiging reaksyon nila.
"Holy shiz! What's the meaning of this?" sabi ni Sam
"Niloloko ka na lang niya" sabi naman ni Yuri
Umiling si Kit. Para bang alam niya na kung bakit. Gusto kong marinig ang lahat lahat.
"Itigil na nga natin to. Bumaba na tayo. Isa na itong malaking kalokohan tara na!" sabi ni Kit
Ayokong umalis hanggat di sila umaalis. Tanga na kung tanga, pero yun ang gagawin ko. Susundan ko sila hanggang sa ako mismo ang tumigil. Ayoko ng paunti-unti. Para akong nasasaktan ng di alam ang lahat. Gusto ko yung alam ko lahat para ako mismo magising sa katangahang nagawa ko.
"Ayokong umuwi. Aalamin ko muna lahat" sabi ko
Nakatingin pa rin ako sa kanila. Naguguluhan at nasasaktan na talaga ako. Naguusap sila pero di naman sila ngumingiti. Seryoso silang naguusap na parang naguguluhan. Mamaya pagkauwi, tatanungin ko talaga si Kit.
"Ano? Gusto mo talaga-"
"Oo. Pwede ba kung ayaw mo akong samahan umuwi ka na lang! Kaya ko naman sarili ko!" sigaw ko kay Kit
"Kung pwede lang! Kung di lang ako papagalitan ng magulang mo pag iniwan kitang umiiyak sa mall!" sigaw niya ulit
"B*llsh1t! Will you two just calm down?" sabi ni Sam
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?