5:45 pa lang gising na gising na ako. Excited na excited ako. Ang saya ko na kinakabahan. Baka kasi may magawa akong nakakahiya.
Dito na pala kami nakatulog sa theater room. Tinignan ko itong mga kaklase ko. Kanya-kanyang nganga sila. Ganon talaga puyat eh.
Dahil wala naman akong makadaldal dahil tulog pa sila. Nagsalang na lang ulit ako ng movie. Hininaan ko ang volume baka magising kasi sila.
"Oh? Aga aga nakakatakot agad?" utas ni shen-shen
"Wala akong maisip na magandang panoodin mag-isa eh" sabi ko
"Titili ka niyan. Magigising mo kami" sabi niya
"Makinood ka na lang" sabi ko
Nanood na kami. Kung may nakakatakot mang part, pinipigil namin baka magising yung iba.
"Putek!" sigaw namin
Nagising sila. Nako sorry talaga.
"Sorry. Di sadya!" sabi ko
"Bakit kasi aga-aga the grudge?" tanong ni Valerie
"Di niyo man lang kami ginising" maktol ni Mitch
"Nako naman. Diyang part pa talaga?" sigaw ni Yuri
Kasi naman... Bakit sa kisame pa mageemote tong lintik na to? Nakakatakot na, nakakadiri pa!
Lahat tuloy kami napasigaw. O edi gising na gising na agad kami? Wala ng kape kape.
Mali pala. Pagkatapos naming manood kumain kami syempre may kape nanaman. Pag nandito talaga yang si Yuri, kape lagi.
"Hoy Angela! Anong oras lakad niyo?" tanong ni Valerie
Hala! Nood nood pa kasi eh.
"9:00 anong oras na ba?" tanong ko
"7:00. Galaw galaw na!" sabi ni Shen-shen
Putek. Ang bagal ko panaman gumalaw. Dahil sa pagkataranta ko sa pagpili ko ng kung anong susuotin muntik pa akong madulas.
Papunta na ako sa banyo nakalimutan ko pa yung twalya ko. Ano ba yan! Kinakabahan ako na baka ganyan din mangyari sa akin mamaya.
Alam kong medyo maaga pa yung 7:00 pero kapag babae matagal mag-ayos diba?
Pagkatapos na pagkatapos ko maligo, bumaba na ako. Nagpatulong akong magayos. Simpleng hanging blouse at high-waist shorts lang ang suot ko. Tsaka black na sneaker wedge. Saka nila kinulot yung dulo ng buhok ko at bahagyang tinali ito. Magugustuhan niya kaya yung itsura ko? Kinakabahan ako na excited.
"Anong oras na?" natataranta kong tanong
"Wag ka mag-panic masyado. Masisira make-up mo" sabi ni Mitch
"Fine. What time is it?" tanong ko
"8:40. Just be calm okay?" sabi ni Sam
"Thanks" sabi ko
Bago pa mag 9 ay may dumating ng sasakyan. Lumabas na si Jerome sa sasakyan niya. Papasok sana siya kaso lumabas na ako. Ayoko siyang mag-intay ng matagal.
"Angela wait!" sigaw ni Yuri
Lumingon ako para pakinggan yung sasabihin niya
"Kwento ha?" sabi ni Shen-shen
Katabi ko na si Jerome. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, baka may gawin akong nakakahiya.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Jerome
"O-oo. Ayos lang ako" pero kinakabahan talaga ako.
Pinagbuksan niya na ako ng pinto. Pero bago ako pumasok bumulong siya sa akin...
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?