Kakatapos lang ng finals. Kaya ayun bakasyon nanaman. Napili kong magpunta sa mall para mamili ng books. Sama ko kaya si Jerome?
Ako:
Jerome! Gising ka na? Mall tayo.
15 minutes na wala pang reply. Siguro tulog pa.
Ako:
Tulog ka pa ata. Goodmorning na lang.
Dahil di pa yata siya gising ay yayayain ko na lang si Kit. Iyon kahit tulog gigisingin ko. Pero maaga yon nagigising di ko na kailangang gisingin yon.
Pumunta na ako sa bahay nila. Nakita ko siya sa may tabi ng pool. Ang tamlay nanaman niya. Lagi na siyang ganito. Kaya dapat talaga siyang mag-mall
"Kit! Samahan mo na ako sige na!" sabi ko at nagpacute pa
"Sasama naman talaga ako, ayoko sa bahay magisa nanaman ako. Pati ikaw" tawa niya
Sa rason niyang iyon ay hindi ako naniniwala. May iba pang rason sigurado ako. Hirap din ng solong anak eh. Wala kang makakausap kapag umalis yung parents mo except sa mga maids.
"Aura tayo ah. Trip ko dun ngayon" sabi ko
"MOA na lang. I'll skate while waiting for you" sabi niya
"Di pwede! Ikaw nga magbubuhat ng libro ko" sabi ko
"Edi sa MOA tayo para pagkatapos magiiskate ako. Yun naman ang ginagawa ko recently" sabi ni Kit
"Okay. Tara na! Nangangati na akong mamili ng libro" sabi ko
Sumakay na kami sa kotse niya. Ayaw niyang gamitin yung akin, mamaya daw gawin kong paliparan ang kalsada. Masama daw kapag babae, kaya siya lang daw ang pwedeng gumawa non.
"Kit madami yung libro ko ah?" sabi ko
"Alam ko. Ikaw magbitbit" sabi niya
"Such a poop. Ikaw na! Kaya ka nga kasama eh" sabi ko
"Edi sana nagdala tayo ng maid para magbuhat ng books mo" sabi niya
Ang arte. Dapat ako na lang pala magisa pumunta. Makareact daig pa ko eh!
"Bakit pa magdadala? Pwede namang ikaw!" sabi ko
"Whatever!" sabay irap niya
"Gay" sabi ko
Lumingon siya sa akin. Sarap mangasar eh. Happy happy kasi ako dahil makakabili nanaman ako ng mga libro. Tsaka bakasyon pa!
Pagkatapos ng ilan pang asaran ay nakarating na kami ng MOA. Pagkapasok na pagkapasok namin ay nanloko agad tong si Kit.
"Yung guard na babae may gusto sa akin" sabi niya
Ang hangin talaga netong lalaking ito. Parang kanina lang ay ang tamlay tamlay niya. Ngayon ang mukha parang binigyan ng pocket money pangliwaliw niya sa saya. Di ko pa pala siya natatanong tungkol doon. Mamaya kaya pag-uwi?
"Bakit naman?" sabi ko
"Hinihipuan ako. Kunwari may kinakapkap na illegal na bagay sa akin. Yun pala kinakapa niya yung akin. Iba na talaga pag gwapo pati guard nahuhumaling sayo" sabay iling pa niya
Ang galing! Ganon pala yon? Teka.
"So may gusto din sa akin yung babaeng guard? Napaka mo eh no? Ang hangin! Yung appeal mo kasi pang guard lang" sabi ko
Tawa ako ng tawa tapos siya nakabusangot ang mukha. Ang galing ko din mangasar eh.
Pumunta na kami sa loob ng bookstore. Feeling ko yung mata ko kumikinang na! Ang dami kong gustong bilhin. Kawawa naman yung alalay ko haha!
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?