Bakasyon na. Wala pa din kaming napipiling lugar kung saan kami mag oouting.
Kaya naisipan muna naming manood sa mga banda. And here we are dancing in the wild and loud sound
Gusto sana naming uminom kaso nasa bahay yung ibang parents ng classmate ko. Di daw sila papayagan... sayang
Ang saya ng buong gabi. May mga nakakasalubong kami sa loob na taga Hillcrest University. Nakikipagusap tapos change person nanaman
Ng mapagod ako ay naisipang kong umupo muna sa table namin, ako lang ang napagod walang tao dun eh
Pagkaupo ko binisita ko muna yung phone ko. Nagselfie ako at nagpost sa IG.
Pagka tingin ko sa may taas nakita ko si... Kit? at kasama si Lourde
Ang akala ko si Lourde at Jerome? Ano to Kit? Pero bakit sila lagi magkasama, ang saya pa nga nila eh
Pumunta ako sa may taas kung saan sila pumwesto. Nagpunta sila sa may terrace. Ano kayang paguusapan nila?
Di ko marinig, ang layo nila sa akin. Ang lakas pa ng tugtog. Baka pag lumapit pa ako makita nila ako, oobserbahan ko na lang sila
Palabas na sila ng pinto pabalik sa loob baka may marinig pa ako
"Kit paano siya? Baka masaktan? Siya?" sinong siya?
"Kahit kelan niya pa malaman masasaktan at masasaktan pa rin siya" sabi naman ni Kit
Bitin ako sa impormasyon! Naunang lumabas si Lourde at napahinto saglit si Kit sa may terrace. Paalis na siya ng hinarangan ko
"Kit ano yun?" sabi ko na ikinagulat niya
"Wala" para siyang sinabuyan ng malamig na tubig
"Ano kayo ni Lourde? Kayo ba?" tanong ko
Imbis na sagutin niya ay hinila niya ako palabas. Kahit papaano humina dito ang tunog ng tugtog
"Ano Kit?" tanong ko ulit
"Pwede wag ka maingay? Oo kami" sabi nito
Damn! So si Jerome ang tinutukoy ni Lourde? Masasaktan? So may gusto talaga si Jerome kay Lourde
"P-paanong... Bakit sila lagi magkasama ni Jerome?" tanong ko
"Iilan lang ang may alam na kami... Kaya hindi alam yun ni Jerome. Akala niya walang boyfriend si Lourde. Syempre pumuporma ito" sabi niya sa akin
Naguguluhan ako. Bakit kasi ililihim pa sa buong section
"Kelan pa naging kayo?" tanong ko
"Last year. Please wala sanang makakaalam" sabi niya sa akin
"Bakit kailangang itago?" tanong ko
"Basta. Kilala kita hindi ka naman magsasabi ng sikreto" sabi niya sa akin
Oo ganun nga ako. Pero hanggang kelan nila ililihim sa buong section?
Nanahimik na lang ako pagkabalik ko sa upuan. Nalulula pa ako sa information na nakuha ko
"Hey Angela! Pagod ka na?" sabi ni Mitch
"Medyo. Naliliyo ako sa lakas ng tunog" sabi ko
"Magpahinga ka na lang muna" sabi ni Yuri
"Gisingin niyo na lang ako pagaalis na tayo" sabi ko
"You're going to miss the fun. Ok then" sabi ni Sam
Ganyan talaga siya sa lahat. Moody pa.
Napagisip ko yung sinabi sa akin ni Kit. Bakit kasi ililihim pa? Privacy? Eh their too public
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?