"I Love You Jerome" sabi niya
Nagulat ako sa sinabi niya. Angela kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nung narinig ko 'yan.
Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay nakatulog agad siya. Lasing na lasing talaga siya. Alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nagpakalasing ng ganyan kaya responsibilidad ko siya.
hinalikan ko ang noo niya "I love you too Angela... Mahal na mahal. Aayusin ko lang talaga yung sa kumpanya. Babalikan kita." at niyakap ko pa siya.
Kanina imbis na si Kit ang matawagan niya, ako ang nadial niya. Para siyang batang inaantok na pinipigilan dahil nanonood pa ng cartoons. Gustong-gusto ko siyang kausapin tungkol dito kaso alam kung galit siya kaya humahanap ako ng tyempo.
Pagkatawag niya kanina ay agad kong tinawagan si Kit para sunduin si Angela at nagpaalam na sa akin muna siya. Dahil ilang araw pa lang na wala siya sa tabi ko feeling ko ilang taon na. Sa una hindi pumayag si Kit dahil nga baka saktan ko nanaman daw. Pero nangako akong aalagaan ko siya at di sasaktan, kaya pumayag na din siya.
Pagkadating ko nakita ko siyang nakikipagsayawan sa lalaking di niya kilala na halos maghalikan na silang dalawa. Kung di ko lang naisip na lasing lang si Angela ay baka napatay ko na sa galit ko yung lalaki kanina. Yung ilang araw na wala kami may nakakalapit ng iba sa kanya, paano pa kaya kung linggo, buwan, o taon pa 'yan? Baka mamatay na ako. Kaya naiintindihan ko siya sa inis niya sa akin. Kahit ako malalaman kong ikakasal sa iba si Angela tapos yung sinabi niya katulad nung nasabi ko, baka nga namatay na ako.
Ang kulit ni Angela. Kung ano-anong sinasabi niya sa akin. Hindi niya nga sigurado kung sino yung kasama niya pero naglalabas siya ng sama ng loob. Ang sakit kasi lahat iyon tungkol sa aming dalawa. Yung iba sinasagot ko kahit alam kong di naman niya maaalala. Sa sakit na binigay ko sa kanya. Kahit ilang beses pa ako humingi ng tawad alam kong nasaktan ko na siya at di ko na iyon mababalik pa.
Inangat ko ng kaonti ang ulo niya para makita ko siya. Pinagmamasdan ko siya. Napakainosente talaga niya at sinira ko iyon. Ang tanga-tanga mo Jerome! Ang tanga! Bullshit! Sana ganito na lang kami. Ayoko ng umalis sa yakap ko sa kanya. Ayoko na siyang pakawalan pa. Kahit ano gagawin ko na, maibalik ka lang sa akin.
Nagising ako ng mga 11:26 na ng umaga. Kailangan ko ng magluto para 'pag nagising siya may kakainin siya. Masakit ang ulo noon dahil sa hang-over kaya dapat soup ang lutuin ko.
Buti at wala kaming pasok ngayon dahil training ng iba't ibang sports para sa laban namin sa ibang school. Basketball ako, pero aanhin ko iyon kung galit si Angela? Wala na akong pake kung matanggal 'man ako sa pagiging captain ball ang mahalaga si Angela nasa akin. Kaya naman 'yon ni Kit.
Nagluto ako ng sopas tsaka noodles na din kung hindi man siya kumakain ng sopas. Ang mahalaga makakain siya, baka magusap kami atleast ready siya. Tsaka bumili na rin ako ng gamot pampatanggal hang-over baka kasi di kayanin sakit ng ulo eh.
Nilagay ko sa tray yung mga pagkain at dinala sa kwarto. Nilagay ko iyon sa mesa sa kwarto at inantay ko siyang magising. Tumayo na siya at naupo. Kinakabahan ako baka magalit siya.
"G-goodmorning Angela... K-kain na t-tayo?" ano ba 'yan kinakabahan talaga ako
"Bakit ako nandito? Anong nangyari? Ang sakit ng ulo ko" hawak pa niya yung ulo niya
Sabi ko na nga ba eh. Binigay ko sa kanya yung gamot at tubig. Sana maging okay siya.
"Gutom ka na? Eto oh" sabay lagay ko ng tray sa kama
Dito ako kumain sa mesa at sa kama siya. Tinitignan ko siya pero sa tuwing tumitingin siya ay umiiwas ako ng tingin. Kinakabahan talaga ako baka itaboy niya lang ako. Tapos bigla siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?