"Angela! Buti pumasok ka na! I miss you!" Umaalingawngaw na boses ni Jerome agad ang sumalubong sa akin
"I miss you too..." sabi ko
"Ang tagal mong nawala. Pakiramdam ko tuloy, walang hangin sa paligid ko" nagpout siya
"Nako! Corny mo ngayon ah? Sige na nga! I Love You" sabi ko
Ganito ba siya lagi pag mawawala ako? Ang cute niya. Parang ang hirap mawala kung pagbalik ko ganito yung sasalubong sa akin.
"I Love You too. Ganda mo talaga, buti ang gwapo ko. It means bagay tayo" sabi niya
"Enebe? nagreview ka na ba? Finals na ngayon eh" sabi niya
"Oo naman! Pakopyahin pa kita gusto mo?" Tanong niya
"Tss. Nagaral naman ako nung wala ako. Ano pang silbi ni Kit?" Tawa ko
Napatawa na lang kaming pareho. Ewan ko ba, ngayon na lang ata ulit ako tumawa eh.
"Angela... sorry nga pala sa lahat lahat ah? Napapasama lang naman ako dahil kay Jackie. Sorry sa pangugulo namin" sabi ni Wendy
Anong nakain nito ngayon? Nagsosorry na siya? May maganda pa rin pa lang araw na mangyayari sa buhay ko?
Laking pasasalamat ko na may pinsan akong kapareho ko ng school nagaaral. Kung hindi paniguradong bagsak na ako. Malaking tulong na nandito si Kit.
Tulad ng sinabi ko noon. Siya lang ang kaclose ko. Partners in crime, taguan ng secrets ng isa't isa ang peg naming dalawa. Tsaka, napapagsabihan ko siya ng mga problema ko. Hindi lang naman sa lovelife syempre pati sa school na din. Lalo na pagnaistress ako? Nandyan siya palagi para sakin.
Habang nagsasagot ako ng exam namin ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Jerome. Hindi kami tabi diba? Si Meryll ang katabi ko. Anyway, buti at di ko din siya katabi dahil bukod sa baka mapatawag kami sa dean na baka nagkokopyahan, ay baka di ko pa matapos ang test na ibinigay.
Yung mata niyang kahit napaka cold eh ang sarap tignan? Yung ilong niyang matangos? Shit! Bakit ba ang gwapo lang ng nilalalang na 'to? Napatingin ako sa may gawing labi niya. Ang sarap lang halikan... This is really not good for you Angela! Pervert ka na! Dammit!
Para maialis ang pagiisip ko sa mga labi niya ay pinagpatuloy ko na lang ang pagtetest. Pero kahit ganon, naiisip ko pa din yung labi niya na nasa tapat ng test paper ko. Nababaliw na talaga ako!
Patuloy lang ako ng iling hanggang sa nakarecieve ako ng text dahil nag vibrate ang bulsa ko.
Jerome:
Ayos ka lang ba? Alam mo ba yung isasagot? Gusto mo itext ko sayo yung sagot?
Shit! Akala niya hindi ko masasagutan? Nakakainis yung labi mo! Kung halikan ko yan ngayon para matakpan?! Tss.
Ako:
Nah. Patapos na ako. Sa labas mo na ako intayin.
Oo sa labas! Mamaya mapagalitan tayo sa sobrang PDA! Tsk. Nakakainis ka!
Jerome:
Okay :)
Binilisan ko na lang ang pagtetest. Salamat naman ng lumabas na siya ay may natandaan na ako sa mga nireview ko. Jusmeyo! Distraction siya masyado.
Pagkalabas ko ay nakatalikod siya sa may pintuan. Nakakainis ah? Pinalabas ko para di ako matempt pero eto siya! Nangakit sa labas.
Kung bakit kasi ang gwapo nito na naiinis ako kapag may grupo ng babaeng naaakit sa kanya? Girlfriend naman ako kaya may karapatan ako.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?