C21

29 2 0
                                    

Naupo na ako kung saan niya ako iniwan. Oo iniwan talaga! Sabi ko 'wag eh. May lumapit na waiter sabi ko yung pinaka-nakakalasing nilang alak dahil di ko alam tawag doon at baguhan pa ako dito. Sabi ko bigyan ako ng 5 bote. Pagbalik niya ay sinimulan ko ng lagukin yung isang bote. Ang init sa lalamunan! Di naman straigh kalahati siguro.

Humingi ako ng baso, sayang outfit ko kung lalagukin ko lang 'to sa bote. Etong si Kit humanda siya sa akin. Nilagay niya ako sa halos puro babae nakapalibot. Mamaya susuungin ko yung alon ng tao diyan sa baba at makikipagsayaw. Kahit sino basta! Dammit Jerome hanggang dito ikaw pa din? Umalis ka na sa isip ko fuck you!

1 bottle left. Sumasayaw na ba ako? O yung inuupuan ko? Saya pala nito! Tumayo na ako sa upuan ko. Tapos nalaglag ba ako? Bakit di ko nahahalikan yung floor ang astig!

"Miss lasing ka na ata. Sinong kasama mo?" sabi nung lalaki

Sino ba 'to? Si Kit ba 'to? Eh hindi niya kaboses.

"You don't care kung may kasama ako o wala. Single o taken. Ikaw, sino ka ba? Bakit mo ko hawak? And correction! I'm just tipsy!" pagmamayabang ko

Totoo naman! I'm not yet drunk! Di pa nga ako nakakasayaw sa gitna eh, may lalaki ng humahawak sa akin. Ang ganda ko talaga!

"Sorry miss. Sige bahala ka" sabi nung lalaki

Wala akong pakealam kung sino siya. Basta ang gusto ko makasayaw muna ako dito bago ako makalabas. Hinatid pa niya ako sa dancefloor bago umalis. Sorry, I'm a bad girl for tonight.

Nandito na ako sa gitna! Fuck! This is so good! Nakikipagsayawan ka sa strangers! Geez. This means party harder!

Bawat beat ng music sumasabay lang ako. Bahala si Kit hanapin niya ako kung mahahanap niya. Di naman ako lalabas ng wala siya. Basta! Hindi ko na alam kung ilan at sino yung mga nakasayaw ko. Ang saya pala nito? Ang alam ko lang pagkatapos nito totoong tao na ako! Haha!

Ngayon may kasayaw akong lalaki. Di ko alam yung ginagawa ko basta ang astig! Ang dikit ng katawan namin ngayon. Ito naman talaga yung ginagawa sa bar diba? Kanina halos lahat sila ganito ginagawa eh. Why not me?

Amoy na amoy ko yung hininga niya. Amoy alak, siguro pareho lang kami. Anyway, ang lapit na talaga namin sa isa't isa. Sino kaya to? Hmm... Sana gwapo. Pero konti na lang dadampi na yung labi niya! Fuck this!

"Gago ka! Pare! 'Wag yang GF ko!" sabay suntok nung lalaking himigit sa akin

Teka sino ba 'to? Wala naman kaming ginagawang masama nung lalaki kanina ah? Buti sana kung naghahalikan na kami eh hindi naman! 'Wag kang lilingon sa akin baka masuntok kita! Tsaka hello?! Wala akong boyfriend!

"Sino ka ba?!" suntok nung lalaking kasayaw ko

Yung kaninang masikip na dance floor lumuwag dahil sa kanila. Kailangan ko pa ng pampalasing, baka maalala ko to bukas.

"Bakit mo siya sinasayaw?" sigaw nung nag 'gago'

"Hoy lalaki! Andito akong GF mo! Tina-timer mo ata ako na hindi mo kilala kung sino na mga babae mo!" sabay hablot nung babae sa nag 'gago'

Aba ang galing! Pasalamat ka wala akong makita kundi tatawanan pa kita. Naduling siguro sa kalasingan akala niya ako yung GF niya. But excuse me! I'm one in a million and this girl is super unique! Wala akong kapareho lalo na sa ganda. Tss...

Umakyat ulit ako at iniwan silang nagsusuntukan doon. Kapag may problema makikipagsuntukan? Edi ako din pala dapat? Di ko naman sila kilala why bother myself?

Umorder pa ako nung alak na ininom ko kanina ng 3. May natira pa akong isa bale 4 nasa akin. Asan na kaya si Kit? Pwede na akong umalis nakasayaw na ako sa gitna eh.

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon