C24

25 2 0
                                    

Nandito na kaming lahat sa school. Nagaayos dahil mamaya na yung booths. Kanya-kanyang ayos na nga kami dahil na rin sa excitement. Sana successful 'to mamaya.

"Are you nervous?" Tanong sa akin ni Jerome

"Medyo. Pero mas excited ako kaya ok lang. Ikaw?"

"Oo nga eh. Baka ma-rape ako sa loob. Paano 'yon?" Jerome

Wow. Di ko naman alam na kapag kinakabahan pala ito eh yumayabang. Tss.

"Hangin mo no? Nakakatangay!" Sabi ko

"Kunwari ka pa. Tabi tayo mamaya ah? Mamaya may mantsansing pa sayo" sabi niya tapos nagwalk-out

Ano daw? Di ko na gets. Pero okay na din kasi kasama ko siya mamaya. Wag lang sana kaming mapalo mamaya. Yung dati daw kasing nag horror booth may napalo ng kahoy dahil sa takot nila. Sana maging okay lahat.

"Guys! Kinakabahan ako geez. Kayanin kaya talaga natin?" Tanong ni Ice

"Kaya natin 'yan. Masaya 'to promise! Magiistart na ba?" Tanong din ni Aldridge

"Nandoon na sila sapphire at victoria sa bilihan ng tickets. Tsaka naka ready na din sila Elle sa pagbabantay ng pila" sabi ni Lourde

Hmm... sayang di sila makakapanakot.

"Guys! Picture muna tayo mas maganda yung fresh" tawa ni Yuri

Tinawag din namin yung mga kaklase namin sa labas. Nakaistorbo pa kami sa mga pumila na. Anyway, ilan kaya yung na picture namin? Sorry IG.

Kanya-kanyang pwesto na. Yung iba to be honest nakakatakot dahil sa make up. Papahuli ba doon si Amber? Jusko po! Pinaghirapan niya ng husto yung pagmemake up sa lahat. And mahirap talaga pag mukaing totoo. Speaking of pagpapatotoo sana magmukhang totoo yung part na papalibutan sila nung mga classmates namin, sana matakot sila.

Medyo malayo pa kami sa mga tao kasi pangalawa kami sa dulo. Kinakabahan ako sa pananakot namin ni Jerome. Parang ako pa yung natatakot kasi yung make-up niya eh yung may tahi. Effective kaya ito?

Ng may narinig na kaming sumisigaw ay hudyat ng nagsimula na ang booth namin. Grabe! Effective nga! Kung ano man ang ginagawa nila ay natutuwa ako.

"Grabe nakakakaba?" Bulong ko

"Okay lang 'yan. Atleast natatakot natin sila" kindat ni Jerome

"Nakakatangay talaga. Pwesto na! Malapit na sila" nung narinig kong malakas na yung sigaw dahil sa lapit nito

"Magtatago ako sa likod mo gugulatin ko sila" sabi niya kaya nanigas ako

Putek sa tenga ko talaga? Walang hiya ka Jerome! Paano ako makakapanakot kung nakaestatwa ako dito?

"AHHHH!" natauhan ako ng may grupo ng mga babaeng bigla na lang sumigaw sa harap ko

Natakot ko ba sila? Nabigla na lang ako ng tumawa bigla si Jerome sa likod ko. Hinampas ko siya. Anong problema ne'to?

"Akala ko ba mananakot ka? Bakit nakatayo ka lang? Kundi pa ako lumabas di sila sisigaw" sabi niya kaya pinalo ko pa

"Eh kung ano-anong pinagsasabi mo sa akin eh. Tss" sabi ko at lumabas ng part na iyon. Nakipagpalit ako kay Ice kaya ok na din.

Mas okay ang pananakot ko ngayon. Mas malakas sa pananakot na nangyari kanina. Pananakot nga ba tch. Pero okay na din akong nakapanakot ako. Achievement!

"Anyare ba? Bigla kang napadpad dito kanina. Di kita matanong kasi sunod sunod ang pumapasok eh" sabi ni Mitch na kapantay ni Ice dito

"Wala naman... di lang ako makapanakot ng husto doon eh" sabi ko

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon