C7

65 5 0
                                    

Nandito na halos lahat ng mga classmate ko kaso si Louise at Rochelle wala pa. Nako late na lang palagi yung dalawang yun

Masaya sana yung outing namin ngayon, kaso wala dito si Lourde and her company. Sayang

"Guys 2 vans lang ang gagamitin natin no?" sabi ni Yuri

"Yeah. Wala yung iba eh" sabi ni Khrystine

"They miss the half of their life. This is Adventure!" Giit ni Sam

Excited na din ako. Iniisip ko na yung pwedeng mangyari sa kanila. Baka ilang araw lang kasi magaya na silang umuwi sayang yung experience

"Guys. Happiness lang ang isipin ng lahat. Kalimutan muna ang problema. Tsaka kalimutan muna natin na pagbalik natin ay lesson nanaman" tumawa ako

"Yah! Hajima!" singhal sa akin ni Airene

"Pa-bad mood ka naman eh!" singhal ni Mitch

"Guys... Happiness... Tignan niyo na lang mukha ko sure happiness" biro ni Joshua

"Mas na kakabadmood" sabi ni Kate

"Ayaw nila sayo, gusto nila sa akin" tapos nagpacute si Brylle

"Guys! Pumasok na nga tayo sa van" sabi ni Shen-shen

"Guys dapat may 2 boys atleast sa loob ng isang van" sabi ni Yuri

Saktong dating nila Rochelle at Louise

Tinignan ko si Jerome bago ako pumasok. Ganun nanaman tahimik at naka earphones. Dapat aantayin ko siya para alam ko san siya uupo, tititigan ko... Kaso ladies' first daw

Pagkapasok ko inayos ko agad yung bag ko para makaupo na yung makakatabi ko

Dapat uupo na si Aldridge sa tabi ko kaso hinila siya ni Jerome sa may unahan. Tapos siya yung umupo sa tabi ko

"Hmm... Kala ko dun ka sa kabila" sabi ko

"Ayaw mo ba?" tanong niya. Ang cold niya

"H-hindi syempre... Diyan ka na" tapos lumingon ako sa may bintana

Nilagyan niya ng earphones yung tenga ko

"Uh... Ok lang sayo?" tanong ko

"Ilalagay ko ba kung ayaw ko?" sungit nanaman. Daig pa niya ko kapag meron ako eh

"Sungit nanaman" bulong ko

Di naman niya maririnig naka earphones yung tenga niyang malapit sakin

Nilagay niya yung ulo niya sa balikat ko. Nakaharap pa siya sa tenga ko. Tapos bigla niyang tinanggal yung earphones na nakakabit don

"I heard that" bulong niya sa tenga ko

Binalik niya yung earphones. Tinignan ko siya... Nakangiti siya sa akin

Nilibot ko yung tingin ko sa buong van. Buti at may ginagawa yung mga nandito. Siguro naman di nila nakita yun

Tumingin na lang ako sa bintana at nakikinig sa tugtog na pli-nay ni Jerome

Ganito pala yung mga gusto niyang kanta. Kasing cold niya. Di kaya dahil dito kaya siya naging cold?

Kakapakinig at kakatingin ko sa labas inaantok na ako. Huli kong narinig na line ng kanta

Do you remember

Nagising ako ng nasa balikat na ni Jerome yung ulo ko. Nakakahiya tapos dalawa na lang kaming nasa loob

"Sorry... Matagal na ba akong nakahilig sayo?" tanong ko

"Simula nung nakatulog ka" natawa pa siya. Nakakahiya kaya yun

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon