Simula nung nalaman ko na siya yung kababata ko mas gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Gusto ko lagi siyang kasama. Gusto ko siyang kinakausap. Wala naman talaga akong dapat ikagalit diba? Destiny nga kasi ang tawag don.
Mas naging close kami. Sinusundo niya ako bago pumasok sa school. Pati sa assignments ko gusto niya sa na gumawa. Minsan pati bag ko siya na nagdadala. Siya din ang maghahatid sa akin pauwi. Iniisip ko nga kung nanliligaw ba talaga to o nagaaply maging yaya at security guard ko.
Ilang buwan na lang naman pwedeng-pwede ko na siyang sagutin. Saktong graduation kaya? Hmm... Sa party na lang naming magkakaklase.
"May gagawin pa kayo ng girls mamaya?" tanong niya
Naisip kasi namin na magshopping kanina ng girls after class. Undecided pa naman, itatanong ko na lang for sure.
"Di ko pa alam. May lakad ata, di pa naman sure" sabi ko
"Ah. Pag natuloy sasama na lang ako" sabi niya
"Shopping? Baka mangalay ka. You know... Girls hindi napipirmi sa isang lugar pag nasa mall na" sabi ko
Unlike boys. Pwedeng-pwede silang restaurant lang tapos aalis na.
"Alam ko. Ayaw mo ba akong kasama?" sabi niya
"Hindi! Ikaw lang yung nagiisang boy baka mapagkamalan kang..." tumatawa ako sa naiisip ko
"Ako? Nah. Baka paglawayan pa nila ako" pagyayabang niya
"Madami ding boys sa mall... Baka paglawayan din kami" ngisi ko
Bigla siyang nagseryoso. Tinititigan niya lang ako. Ang cute niya pag nagagalit. Akala mong batang inagawan ng candy.
"Kaya nga ako sasama eh" inis niyang sabi
Sa inis niya hinablot niya yung kamay ko. Kamay ko pa lang ang hawak niya feeling ko secured na ako. Feeling ko ako lang talaga. Kaya natutuwa ako sa kanya. Minsan sinasadya ko ding pagselosin siya para ganito nangyayari.
"Pero di mo hawak yung mata nila" pang-aasar ko
Tinitigan niya nanaman ako. Bibigyan kita ng candy mamaya baby.
"Gusto mo dukutin ko pa?" inis na talaga siya
Titigil na nga ako. Mamaya iwan ako nito eh.
Nakita ko yung ibang girls na palabas na ng canteen. Foods is love nga talaga sa kanila.
Binitawan ko yung kamay ni Jerome para tumakbo sa girls. Pero inabot niya ulit.
"Wag mo kong iwan. Classmate niyo din ako" sabi niya
Di pa kami napaka-seloso na. Pero mas gusto ko siyang ganyan kesa wala siyang pake sa akin.
"Opo. Tara na!" hinila ko siya
Natatawa naman siyang sumunod. Kaso nagpapabigat ang loko. Aamba sana akong bitawan yung kamay niya, tapos bigalang sumunod. Takot pala eh.
"Tuloy ba mamaya?" tanong ko
"Yeah. Bakit?" tanong ni Shen-shen
"Ehem. Kamay. Kamay. Ehem." tawa nila
Ayaw niyang bumitaw. Fine. I'll hold.
"Sasama kasi ako" nakangiting sabi ni Jerome
"Di nga?" tanong nila
Di nga kasi siya ganyan dati.
"Oo nga..." sabi niya
Tinitignan ko lang siya. Mukha talaga siyang desididong sumama sa amin sa mall.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?