"Angela ang lamig pa... Talaga bang kailangan na nating bumangon ng ganito ka aga?" maktol ni Kate hababg nakapikit pa
Nako kung alam niyo lang kung gaano nanaman ka adventurous ang dadaanan natin. At kung gaano kahaba
"Angela luto na ba pagkain ngayong oras? 4:00 pa lang oh?" sabay pakita ni Khrystine sa akin ng phone niya
"Guys! Tayo na! Sabi kasing matulog ng maaga. Pero naghappy-happy pa. Iiwan ko kayo" sabay sabay namang nagtayuan ang girls
Kaya naman pala. Ang dami pang arte. Pusta ko kasi 5 pa kami makakaalis. Sa bagal nilang kumilos? Ewan ko lang
"Grabe! Ligo ka na? May heater ba? Madami naman kayong cr no?" tanong ni Shen-shen
"Tatlo. Eh may boys pa. Dalawa sa taas, isa sa baba" sabi ko
Sa dalawang room kasi sa taas may tagisang cr. Tapos yung sa baba para sa lahat. Tss. Malamang.
"sarap maligo" tawa ni Yuri
"Bangon na! Pag tayo na late dali kayo samen" tawa naman ni Mitch
"Pati kayo? Sabay kayo naligo?" tanong ni Valerie
"Ofcourse not. One by one" tawa naman ni Sam
Nauna pa silang gumising sa akin. Nagulat nga ako eh. Ang nakakaloko lang di pa agad naligo. Kumain muna. Kaya habang naliligo ako kumakain sila
Isa-isa na silang naligo. Chineck ko sila Kit kung tapos na.
"Kit tapos na kayo? Pwede na makiligo dito yung ibang girls?" tanong ko
"Oo" tapos nag-upuan yung lima
Duh? Lumabas kayo. Ano freeshow to?
"Aba! Lumabas kayo. Kayo talaga!" singhal ko
Nagrereklamo pa sila dahil room daw nila yun bakit sila aalis. Sabi ko bahay ko to. Although sa parents ko to, but I'm their daughter
Kumakain na kaming lahat. Heavy breakfast. Boys ang nagluto sila kasi unang natapos eh. Ofcourse konti lang sila
Pinainom ko din ng kape para alive na agad. Eh mukhang sanay sa kape lahat, inaantok pa din yung iba eh. Yung 3 lang yung excited ng sobra. Pati pala si Valerie at Khrystine
Di ko na ginambala yung mga driver namin. Kawawa naman sila. Basta sila yung magdadrive sa amin pauwe
4:45 na ng nakalabas kami sa bahay. Medyo mabilis na sila niyan.
"Tara na. Kit hati tayo. 13:13 ha?" sabi ko
Naghiwahiwalay na sila. We have 2 boys here. Jerome and Brylle.
Pasakay na ako. Nagulat ako ng nakasakay sa driver's seat si Jerome
"Ako na dito. Nakakapagod mag-drive" sabi niya
"Exchange na lang tayo kapag pagod ka na" sabi ko
"As long as your there, then I won't" ngumiti siya at lumipat na ako sa kabila
Ayaw nila sa harap. Matutulog pa daw sila kaya sa likod daw sila. Mas komportable. Kaya itong si Jerome ninja moves. Di naman siya ganito dati eh
Dahil sa katahimikan ay medyo nabobored ako. Kaya naisipan kong daldalin lalo si Jerome. Tsaka madaling araw pa lang baka antukin to madisgrasya pa kami
"Di ka ba inaantok?" tanong ko
"Hindi. Bakit inaantok ka?" tanong niya
"Hindi din. Nabobored lang. Gusto ko sana magpatugtog eh tignan mo naman mga kaklase natin. Naka nganga lahat" tawa ko
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
Hayran KurguTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?