C35

43 3 0
                                    

Nakauwi na si Kit. Magisa na lang ako dito, dahil nataong walang hahawak sa isang branch. Akala ko pa naman kahit umuwi si Kit ay makakasama ko si Auntie.

Bumaba ako para magluto ng umagahan ko. Walang pasok ngayon kaya pwede akong maglaba ng mga labahan ko.

Nagluto ako ng isang soup. I don't like heavy meals in the morning. Feeling ko constipated na ako pag ganon.

Pagkatapos kong kumain sininop ko muna lahat ng ginamit ko bago nagpunta sa likod ng bahay.

Kinuha ko ang mga gamit panlaba at mga labahan kong uniform, pambahay, at mga panyo.

Dahil sa kaadikan ko ngayong mag IG ay naisipan kong magpicture kasama ang mga labada ko. How pathetic of me to take pictures of this... anyway, wala silang pake.

Halos kasisimula ko pa lang ng may nagdoorbell. Dumating ba si Auntie?

"Oh, Kenneth? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko

"Nakita ko yung post mo. Tutulungan sana kita ngayon." Sabi niya

"Wala ka bang pasok? Tsaka maaabala ka lang nito." Sabi ko

"Ano ka ba? Diba ganito naman kapag nanliligaw? Pinaghihirapan ang masarap na oo?" Tanong niya

Nagkibit balikat na lang ako at pinapasok siya. Hindi ko alam kung paano tanggihan. Hindi ko rin namang gustong bigyan siya ng pagasa pero mahirap tumanggi sa isang taong naging sandalan mo noong panahong kailangan mo ng karamay.

Ayokong matawag na paasa. Pa-fall. O kung ano-ano pa. Hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin ang pagtanggi ko.

Ilang buwan na din na laging tumutulong sa akin si Kenneth. Hatid-sundo niya ako bago siya pumasok sa trabaho niya. Kahit tumatanggi naman ako pinagpipilitan pa din niyang dapat daw ay mas mahirap pa doon ang ginagawa niya.

Isa pa, kapag naman wash day ko ay pumupunta pa siya sa bahay para tumulong sa paglalaba. Ayoko siyang pahirapan pero siya ang nagpapahirap sa sarili niya.

"Kenneth..."

"Hmm?"

"Hanggang kelan mo balak gawin 'to?" Tanong ko

Matagal tagal na ding ganito ang turingan namin. Hindi ko alam kung iniisip niyang may pag-asa na siya kaya hindi siya tumitigil sa pagpupursigi sa akin pero hindi ko alam. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay, pero hindi ko naman siya kayang saktan.

"Uhh... kenneth may sasabihin ako." Sabi ko

Gustong-gusto ko ng sabihin pero natatakot talaga ako.

"Ano yon?" Nakangiting saad niya

Bago pa ako magsalita ay may nagdoorbell... paano ba 'to?

"S-sandali lang... b-buksan ko yung gate..." sabi ko

Pagkalabas ko ay nagulat ako kay Auntie. Nakabalik na siya!

"Auntie! Di naman po kayo nagpasabing dadating na kayo. Kamusta po ang New York?" Bumati ako

"Ayos na ayos. Tamang-tama para sa isa pang branch ng kumpanya. Fashion!" Nakangiting bati ni Auntie

Masaya ako at dumating na si Auntie. Baka matulungan niya ako kay Kenneth.

"Auntie... may bisita nga po pala ako. Auntie si Kenneth po." Sabay lahad naman ni Kenneth ng kamay

"Mr. Dela Cruz! What brings you here? Magkaibigan pala kayo ni Angela?" Sabi ni Auntie

"Uh... high school friend ko po siya." Sabi ko

"Great! Nakakain ka na ba?" Tanong ni Auntie

"Actually nagluluto na po kami ni Angela... kakatapos lang po naming maglaba." Tawa ni Kenneth

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon