Hinila ko si Kit. Ayokong masira niya yung outing namin. Nakakainis, alam niyang may initan pa sa kanilang tatlo tapos eto gagawin niya?
"Naghahanap ka lang ng gulo Kit. Bakit mo to ginagawa?" tanong ko
"Away? Gusto ko mag-kaayos tayong lahat" sabi niya
"Ayos? Lalo mong pinapalala" sabi ko sa kanya
Hindi naman sarcastic yung mga salita niya. Kung iisaisahin mo yung words mukhang sarcastic. Pero yung intonation hindi. Kaya mukhang sincere na hindi
"Yun ang gusto ko! Ayaw ko ng away kasi ang akward sa room" sabi niya
Sana pumili siya ng tamang lugar, hindi dito sa outing na sana ay pang tanggal stress. Pero eto, sinama niya yung stress sa outing
"Alam mong kaya may outing kasi may initan sa room! Pinapalamig namin ang isa't isa. Pinili namin sa malayo para walang makaalala na malapit lang kami sa school, sa problema!" sigaw ko
Hindi naman gaano maririnig iyon ng mga classmate namin dahil medyo malayo naman kami
"Gusto ko nga matapos ng maaga!"sigaw niya din
"Matapos ng maaga? Mas pinapahaba mo! Yun lang ba talaga ang rason mo? Nakakainis ka na eh! Ang kitid mo!" singhal ko
"Malamang yun lang! Ano pati si Lourde idadamay ko para lang sa kayabangan ko?"sigaw nanaman niya
"Eh yun ka naman eh! Mas pinipili mo yung sarili mo! Tsaka kahit anong gawin mo, Lourde is already included here! Sana una pa lang inisip mo na yan!" sigaw ko
"Sa tingin mo gagawin ko to kung hindi ko to naisip noong una pa lang? Para saan Angela?" sigaw niya
"Para sa akin" malamig na sabat ni Jerome
"Talaga? Para sayo? Anong ebidensiya mo?" sabi ni Kit
"Hindi mo naman talaga siya mahal diba? Nabigla ka na lang na gusto ka niya kaya pinatulan mo yon" malamig pa ring utas ni Jerome
Kahit ako nabigla sa narinig ko. Gaya ng sinabi ko para nanaman sa sarili niya
"Kanino mo naman nalaman yan?" utas ni Kit
"Di na mahalaga yun. Ang mahalaga nalaman ko na ganon lang ang dahilan mo. Ang babaw mo pala no?" sabi ni Jerome
Nagigting na ang bagang ni Kit. Konti na lang magsusuntukan na ang dalawa. Hindi ako makapag salita sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung tama bang nasasaktan ako. Dahil dito alam kong mahal na mahal talaga ni Jerome si Lourde. Dahil hindi naman niya ito ipaglalaban ng ganito kung hindi niya ito mahal. Hindi ko maiwasang mainggit. Alam kong mali kaya pinipigilan ko
"Wow. Ang babaw ko? Hindi mo kasi matanggap na ako ang pinili. Ako ang gusto. Hindi ikaw kundi ako!" sigaw ni Kit
Tinignan ko ang kamao ni Jerome. Na any moment pwedeng pwede ng tumama sa mukha ni Kit. Sana mapigilan niya. Alam kong kahit anong gawin ko ay sira na ang outing. Pero hanggat kayang pigilan sana mapigilan
Tinignan ko ang iba kong classmate na kausap sila Krystal at Elle. Habang si Lourde papunta na dito
"Tanggap ko. Nabigla lang ako. Ang mahalaga, Ako naghirap hindi sumunggab. Ako ang matagal na nakasama hindi biglaan. Ako naging kaibigan kahit hindi minahal, atleast kapag naghiwalay kayo ako ang lalapitan hindi iiwasan" malamig na sabi ni Jerome
Saktong dumating si Lourde habang sinasabi ni Jerome ang mga iyon. Kaya alam kong nainsulto si Kit kaya biglang dumapo ang kamao ni Kit sa mukha ni Jerome
Nabigla kami ni Lourde. Hindi namin alam ang gagawin kaya napasigaw kami
"Tumigil nga kayo! Ano ba tumigil kayo sabi!" sigaw naming dalawa
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?