Maaga nanaman akong nagising. Pero hindi na dahil sa gala adventure namin kundi dahil uuwi na kami. Gustong-gusto ko pa silang pagstayin dito kaso may pasok pa, lalo ng hindi sila papayagan ng parents nila.
Ilang sandali lang may natanggap akong text kay Dad...
Dad:
Anak! We will be using the resthouse for the next 3 days... When are you coming back are you with Kit? Are you okay?
Oh... Para saan kaya?
Ako:
Okay Dad. We will go home later. I'm with Kit don't worry.
Para saan kaya nila gagamitin iyon?
Ginising ko na ang mga kaklase ko. Ayaw pa daw nila umuwi. Kung pwede daw bang huling gala na at umuwi na lang ng gabi. Syempre pinagbawalan ko... May pamilya silang nagaalala sa kanila.
"Tayo na guys! Male-late tayo ng uwi niyan sige" sabi ko
"Ok lang. Nagpaalam pa naman kami na gabi uuwi" sabi ni Mitch
"Aba! Paano yung iba?" tanong ko
"Nagpaalam kayo guys diba?" sabi naman ni Yuri
"Yeah" sabi nila Sam at Khrystine
"Guys..." sabi ni Rochelle
Lahat kami napalingon sa kanya. Bakit kailangang malumanay/dahan-dahan effect? Pa-suspense lang?
"What?" tanong ni Airene
"I need to go to states" sabi niya
Ha? Aalis siya? Malamang... kakasabi lang eh
"Why?" tanong ni Elle
"Our family bussiness... Malapit na siyang ma lugi" sabi niya
What the freaking F! Bakit ngayon niya lang sinabi?
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Tsaka pinayagan ka pa nila dito?" tanong ni Kate
Edi sana pwede namin siyang matulungan... Hindi man sa pera, pero matutulungan namin siyang maglabas ng sama ng loob... Hmm... Hindi tae...
"Pinayagan nila ako para daw makasama ko kayo kahit sa huling beses... We are staying there until the company is stable" kwento pa niya
"Paano yung school mo?" tanong ko
"My parents talked to our dean already..." sabi pa niya
"Iiwan mo kami ganon?" tanong ni Shen-shen
"Hindi naman... Ayoko tala--" natigil siya
"Ayaw mo pero aalis ka pa din? Ang galing" sabi ni Khrystine
Guys? Para ito sa bussiness nila
"Bussiness yon Khrys-" naputol niya ang sinasabi ko
"Bakit siya na ba ang taga pagmana?" tanong naman ni Louise
"Hindi ako... Kuya ko..." sabi ni Rochelle
"Yun naman pala eh! Tapos sasama ka pa?" sabi ni Khrystine
"Wala akong kasa--" sabi ni Rochelle
"Ano kami? Anong palagay mo sa amin?" sabi ni Louise
"Sorry guys... Di ko talaga sinasadya" sabi ni Rochelle
Tumayo na ang iba... Grabe, di ko alam na dahil doon magaaway pa. Pero tama lang na sinabi ni Rochelle, pero hindi maaga. Di din nila naintinihan kaya nagkagulo. Sana maayos to ng mas maaga.
Dahil doon mabilis na silang naligo at nagligpit ng mga gamit nila dito. Kaya sa sasakyan namin ay ang tahimik ng lahat. Kahit isa walang nagsasalita, sana maayos to bago kami pumasok next 2 days.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?