"Para sa akin" sabat ko
"Talaga? Para sayo? Anong ebidensiya mo?" sabi ni Kit
"Hindi mo naman talaga siya mahal diba? Nabigla ka na lang na gusto ka niya kaya pinatulan mo yon" sabi ko
"Kanino mo naman nalaman yan?" utas ni Kit
Kay Victoria. Sa napansin ko, si Victoria ang laging kasama ni Lourde noong mga panahong iyon. Kaya nagtanong ako sa kanya. Akala ko hindi niya sasagutin pero nagulat ako sinagot naman niya. Kaya bilang ganti, nangako ako sa kanya na hindi iyon sasabihin kahit kanino
"Di na mahalaga yun. Ang mahalaga nalaman ko na ganon lang ang dahilan mo. Ang babaw mo pala no?" sabi ko
Nakita ko mismo ang pag igting ng bagang niya. Sa puntong ito, di manlang ako natatakot. Hindi iyon dahil sa lalaki ako pero wala talaga akong maramdaman
"Wow. Ang babaw ko? Hindi mo kasi matanggap na ako ang pinili. Ako ang gusto. Hindi ikaw kundi ako!" sigaw ni Kit
Naninigas yung kamao ko. Para siyang may sariling utak na gustong dapuan si Kit mismo. Pero hindi man lang ako makaramdam ng galit
"Tanggap ko. Nabigla lang ako. Ang mahalaga, Ako naghirap hindi sumunggab. Ako ang matagal na nakasama hindi biglaan. Ako naging kaibigan kahit hindi minahal, atleast kapag naghiwalay kayo ako ang lalapitan hindi iiwasan" sabi ko
Hindi sinasadyang nandoon na si Lourde nung nasabi ko ang mga bagay na iyon. Tatanungin ko sana siya kung anong narinig niya pero dumapo na ang kamay ni Kit sa akin
Hindi ko gustong pumatol, lalaki ako normal lang sa amin iyon. Naisip ko din na baka naasar sa akin si Kit dahil nasabi ko yun nung dumating si Lourde. Baka inisip niya na sinadya ko iyon
Yun lang naman ang mga bagay na pumasok sa isip ko. Hindi ko alam pero hindi sinasadyang nasabi ko yung mga gusto kong sabihin simula nung nalaman ko iyon
"Tumigil nga kayo! Ano ba tumigil kayo sabi!" sigaw nung dalawa
Ngayon ko na nasasabing may sariling utak nga ang kamay ko. Ito mismo ayaw niyang tumigil, para bang sinasabi nito na matagal ko na dapat ginawa iyon
"Ano ba tumigil na nga kayo!" sigaw ulit nila
Natigil kami ni Kit dahil pati ang mga classmate namin ay nandito na. Nakakahiya na nakita pa nila ito. Kung hindi kasi padalos-dalos si Kit hindi kami hahantong dito
"Ano ba hindi niyo ba naiintindihan yung salitang tumigil?" sigaw ni Angela
"Hindi ba kayo nahihiya na babae pa talaga ang pumipigil sa inyo?" sigaw ni Lourde
"Ano magsalita kayo! Hindi niyo kaya? Ngayon pa kayo nahiya? Nasimulan niyo na ah" sigaw ulit ni Angela
Alam kong malaki ang kasalanan namin. Lalo na dapat inisip muna namin ang kahihinatnan ng away na ito. Dapat humanap kami ng lugar na paguusapan na dalawa lang kami. Para hindi kami nakakasira at nakakagulo sa iba
"Ano kasi nandito ako ganon ba? Ipapakita niyo kung sino ang mas magaling? Akala niyo matutuwa ako niyan? Akala niyo kung sino ang konti ang pasa at dugo sa mukha yon ang pipiliin ko ganon ba?" sigaw ni Lourde
Hindi ko man lang nararamdaman yung pasa at dugo. Ang alam ko lang nakakahiya yung ginawa namin, lalo na nakita ng buong classmate namin
Hindi ko rin inisip na baka masaktan namin yung dalawang babae. Kung sana pinabayaan ko na lang si Kit. Hindi naman ako nakikipagkumpitensya, naisip ko lang na ginawa ko iyon para kay Lourde. Na ganti dahil ginamit lang siya ni Kit
"Guys. Magpalamig muna kayo. Wag muna kayo magusap usap. Walang mag tatabi. Nasira na itong outing na to" sabi ni Kate
"Tapusin na natin to ng makauwi at magpahinga na. Lalo na kayo" sabi ni Shen-shen
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?