C22

27 3 0
                                    

Masaya ako na ayos na kami ni Jerome. Pinangako ko na rin sa kanya na makikinig ako sa lahat ng paliwanag niya. Hindi ko na pangungunahan ng inis lahat ng bagay. Ayoko ng mahiwalay sa kanya ulit.

Kahapon nung nagusap kami nalaman ko na sobrang mali nung inisip ko. No games will be happening. Really.

"See? Sabi sa inyo eh magkakaayos din sila agad" sabi ni Victoria

"Oo nga. Edi para lang walang nangyari. Di nga alam ng iba na nagaway pala sila" tawa ni Mitch

"Hindi naman nila kailangan pang malaman. It's none of their business" sabi ni Valerie

"English 'yun Val!" tawa ni Meryll

Nagbow pa si Valerie at nag thank you. Kalokohan nga naman. Natatawa ako sa kanila. Todo support at salamat at nagdilang anghel naman si Victoria.

Akward pa rin sa upuan kasi hindi pa siguro alam ni Lourde na ayos na kami. Sasabihin ko ba? O dapat kasama ko si Jerome kapag sinabi iyon? Pero kasi kaya ko naman siyang kausapin kahit ako lang. Kaibigan ko naman siya at kaklase ko pa. Magusap kaya kami mamaya?

Parang baliw lang itong si Jerome at pangisi-ngisi doon. Nahihiya ako kahit alam naman ng iba na M.U. kami. Its just that, kakagaling lang namin sa away na hindi alam ng lahat.

"Bakit ka ba tawa ng tawa?" narinig kong sabi ni Lourde

"Wala" tapos umiling pa si Jerome

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na nililihim niya muna kay Lourde na maayos na kami o maiinis dahil baka malaman din naman iyon ni Lourde dahil sa kalandian niya?

"Guys! Alam niyo na naman yung sa club organization dito diba?" Tanong ni Ice

"Pinalagyan ko ng twist since their idea was too boring... Gusto kong ibalik yung highschool days nating students ng Hillcrest" ngiting ngiting sabi ni Ice

Alam naming anak siya ng may ari ng school. That's why we are too lucky to have her as our classmate madaling mag adjust.

"Straight to the point Ice!" Sigaw ni Kate

"Foundation day? Yung booths? Pinabalik ko sila tsaka sportsfest ulit!" Sabi ni Ice

Agad na nagtalunan ang mga kaklase ko. Parang mga batang binigyan ng paborito nilang candy. Masaya din ako dahil finally mararamdaman ko na ulit maging high school. Kahit hindi sila yung kasama ko noon, atleast sila naman na ngayon. Nakakapagod ang college life sobra! Nakakamiss ang highschool days.

"OMG! FINALLY! WE NEED TO HAVE A CELEBRATION FOR THIS!" sigaw ni Sam

"Bar tayo mamaya!" Sigaw ni Khrystine

"Oo nga! That would be so much fun!" Sabi naman ni Yuri

"Uh-oh. Doon na lang kami sa tabi we can drink juice naman" tawa ni Mitch

Hindi nga pala umiinom sila Mitch. Sayang ang saya pa namam non. Anyway, there's always a next time.

"Good girls are bad girls that haven't been caught" singit ni Jackie na agad tinignan ng masama ni Mitch. Uh-oh.

"Yeah right. And you you are a bad girl that will never be a good girl. And bad girls deserve punishments" sabi ni Mitch

"Really? You? Punish me? Great! I am so scared!" Sabi ni Jackie

"I didn't say I will. Maybe you really are scared because you only talk to me when many people are around you. How about 1-on-1?" Hamon ni Mitch

Napangiwi na lang si Jackie sa sinabi ni Mitch. Saan kaya 'to hahantong kung di namin pipigilan?

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon