"Angela! May goodnews sayo si mommy mo" bati sa akin ni dad
Kakagising ko lang. Ano nanamang balak nila?
Nagulat na lang ako ng biglang tumalon pa si mom sa kama ko. Really? Mas batang isip pa siya sakin.
"Anak diba gusto mong pumunta ng Paris? May exam na ipapatest sayo yung aunt mo!" Sabi ni mom
Sheeeet! Paris? Oh my Gosh! Kelan ba? Geeeeez! Dream country bebe!
"Kelan ma? Kelan! Diba pwedeng ngayon na? Oh my gosh!" Sigaw ko
"Angela hinay lang. Sa isang araw yung test about sa company lang naman. Diba nahandle mo na yung atin? I trained you." Tawa ni Dad
Okay lang kahit para sa kumpanya. Basta nakapunta at makakagala ako! Daebak! Ahhhhhhhh!
"Dad. Diba pwedeng ipasa na lang ako ni Aunt Loe para siguradong Paris na punta ko?" Tawa ko
"You know you can't" tawa din niya
Ngayong araw yung exam. Hindi sa nagyayabang pero feeling ko papasa ako. Halos lahat ng nabanggit doon eh tinuro sa akin ni Dad. Akala ko test as in magsasagot sa bond paper. Yun pala, parang nasa office na kami at kami ang CEO.
"Dad! Papasa ako. And I'm sure of that!" Pagyayabang ko
"Mana lang 'yan!" Tawa niya
"Sus. Yabang niyo. We'll see" ngisi ni mom
I know I'll pass. Pero hindi ko inaakalang ngayong panahon na masaya ako kung nasaan ako.
"Anak pupunta ka sa aunt mo sa Paris. Nakapasa ka kasi sa test na yun. And kukunin ka ng aunt mo para sa business niya doon. Tutal alam mo na kung paano mag patakbo ng kumpanya, alam naming makakatulong ka sa kanya" sabi ni mom
Hell no! Noon gusto ko! Pero paano ako? Si Jerome? Paano yung... kasal niya?
"No mom. I can't" sabi ko
"Bakit? Is it because of Jerome? If he truely loves you then he'll wait. Even if it take years, he can do it" sabi ni mom
Tangina! Kaninang umaga lang suportado siya saming dalawa. Anong nangyayari?
"Years? How many mom? Alam mong may pinoproblema kami. And you want what? Me to leave him? No!" Sabi ko
"Walang ganon anak. It's... Long distance relationship if that's what you call it. Yun lang naman" sabi ni Dad
Ito ba yung kapalit ng agarang pagpayag niya sa amin ni Jerome? Ito ba yun? Damn!
"I can't dad! And I won't! You know? Diba ikakasal siya kay Lourde at tutulungan ko pa si Jerome na wag matuloy iyon. How can I help kung nasa Paris ako, running my aunt's company?" Sabi ko
"But... you will need it in the future anak. You'll be successful for sure. And it'll benefit our company's name when you come back. More investors more help you can give to Jerome" sabi ni dad
"Dad? How can you be so sure na pagbalik ko hindi pa sila kasal? I'll be working there for years! For Pete's sake! I can have all the investors I want but can I have Jerome?" Tanong ko
Umagos na yung luha ko. Walang mintis, ayaw tumigil. Magpahid man ako, may panibagong luhang tutulo.
"Dad please... I can't" sabi ko
Nagiwas ng tingin ang ama ko. Hindi ko alam kung anong iniisip nila pero ayoko nito.
"No buts! Aalis ka right after you graduate you'll be there for four years. It's either you left Jerome here or you don't have your mom anymore. End of conversation" sabi niya at umalis
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?