C15

37 3 0
                                    

Kagaya ng dati... Kapag walang pasok wala akong ginagawa kundi tumunganga o magmall manood ng king anong movie-ng una kong makita.

Yun yung ginagawa ko sa dati kong school. Ngayon, kung siguro wala kaming pasok o bakasyon, kung saan saan na kaming lugar naka abot.

Naalala ko yung mga sorpresang nagawa na sa akin ni Jerome. Para akong nasa kalangitan noong nangyayari iyon. Tsaka, nakakadalawa na siya. Paano pa kaya kung sinagot ko na siya? Edi mas marami?

Wala pa akong nagagawa para sa kanya. Ni isa siguro? Gusto ko siya naman ang masorpresa ko. Yung tipong hindi lang siya yung laging nageeffort. Yun ang gagawin ko ngayon.

Valerie:

Angela may gagawin ka ba ngayon?

Tamang tama ang tanong niya. Sakanya kaya ako magpatulong? Tsaka sa iba pa!

Ako:

Bakit? May kailangan ka ba?

Valerie:

Wala kasi akong magawa... Baka kailangan mo ng tulong ko?

Tumpak! Buti na lang talaga!

Ako:

Sige sige. Sama mo ulit sila Mitch. May gagawin tayo.

Valerie:

Sige. Kaso maya-maya pa tulog pa yung mga yon.

Putek! Alas-5 pa lang? Akala ko tanghali na. Pero tama lang din para makapagisip pa ako ng tamang idea.

Ako:

Oo nga no? Sige mga before tanghalian ha?

Valerie:

Yeah!

To be honest, wala talaga akong maisip. Di ko alam kung anong gusto ng mga lalaki. Kung anong nagpapasaya sa kanila. Hindi pa ako nageffort kahit kaninong lalaki, kahit na sa dad ko. Yun din ang isa sa pagkukulang ko sa mga magulang ko.

Kung magtatanong ako... Kay Kit siguro? Pupuntahan ko lang naman siya sa kabila.

Naligo at nagbihis na ako. Alam kong gising na yun para maglaro. Hay. Basketball...

Tama! Sa basketball court ang venue. Ang kulang na lang surprise at costume siguro? Para mas cute.

"Hoy Kit! Kung tatanungin ka saan ka masaya?" bungad ko

"What? Para saan yan? Assignment natin?" tanong niya

Kailangan pa talaga niyan? Tch. Common sense din.

"Wala. Sagutin mo na lang" sabi ko

"Ang makitang masaya ang mahal ko" sabi niya

Tapos bigla siyang nalungkot. Anong problema nito? Di ba dapat ako ang nalulungkot dahil wala akong maisip. Nahihiya ako sa sarili ko. Tsaka anong gagawin ko? Ngingiti lang palagi? Masaya na agad siya noon? Hindi naman ganon lahat eh.

"What a face eh? Anyway, thanks" sabi ko at umalis na

Fudge! Anong gagawin ko? Si Aldridge kaya tanungin ko? Na-inlove na kaya yun? Wala namang taong di pa naiinlove ng nakatapak sa college.

Eh maaga pa nga? 7:33. Gising na din yun no? Kasi basketball adik nga.

Kinuha ko yung sasakyan ko sa labas. Fuck! Di ko maisip na pwede pa lang ganito kalala ang effort na ginagawa ni Jerome para sa akin.

Pagpindot ko ng doorbell agad na bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang mama niya siguro? Mukhang aalis din papuntang work bibilisan ko na lang.

"Goodmorning po. I'm Angela, classmate of Aldridge. Is he here?" tanong ko

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon