Bwisit! Wala naman akong maintindihan dito. Bakit ba kasi kailangan pang ako ang maghandle nito? Ipamana na lang nila sa iba edi ok pa? kaya ko namang mabuhay ng walang perang nanggagaling sa kanila. Sa laki ng baon ko ni minsan di ba nila naisip na nakakaipon ako doon? Tsaka madali lang din naman akong makakahanap ng trabaho pag nagkataon.Tulungan ko na lang kaya si Lourde? Tutal pera naman ang habol nila, at wala akong pakealam doon. Ako ng bahala sa iba basta 'wag na 'wag nilang gagalawin si Angela. Kailangan ko siyang makausap.
Nakatanggap naman ako ng ilang messages galing kay Angela. Lalo akong di mapakali kaya gusto ko na siyang makita. Diba ganon naman talaga kapag mahal mo? It sounds cheesy but that's the reality.
"Mom alis na po ako" sabi ko
"Teka tapos ka na ba sa utos ng daddy mo?" tanong naman ni Mom
"Hindi pa po. Pero itong gagawin ko ang tatapos sa problemang 'to" sabi ko at umalis na
Kung hindi pa ako aalis ay malamang mas marami pang tanong iyon. Gusto ko ng makita si Angela.
Hindi ko alam kung saan magsisimula pero kung ito na lang talaga ang natatanging paraan edi gagawin ko na. Hindi ko kailangang umasa kung kaya ko namang gawing magisa.
Naisip kong kumain muna bago ko gawin ang plano ko. Tamang tama namang pagkapasok ko ng restaurant nagulat ako ng nandito sila Kit at Lourde. Naguusap na pala ulit sila? Sana maging sila na lang para hindi kami makasal ni Lourde.
"Anong meron?" tanong ko
Mukha kasi silang nagkakainitan kaya hindi ko na naiwasang magtanong. Imbis na makialam pa itatanong ko na lang kung nakita ba nila si Angela.
"Kit nakita mo ba si Angela?" tanong ko pero agad na nagiwas ito ng tingin na para bang naiinis siya
"Pinaguusapan lang nanaman nila yung lintik na kumpanya. Malamang nagalit si Angela, naabutan ko nga nauna namang umuwi. Kaya ako naiinis lalo ngayon kasi may sakit na nga yung tao pinagusapan pa talaga nila ngayon yung kumpanyang 'yan." sabi ni Kit
Tangina! May sakit siya? Umalis pa talaga siya ng bahay magisa? Mas nakakainis kasi kami dapat ni Lourde ang naguusap dito hindi sila. Kahit ako maiinis kung paguusapan namin iyon. Galit iyon at baka mabilis magpatakbo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung may mangyaring masama kay Angela.
"Jerome saan ka pupunta?" tanong ni Lourde
"Let's talk after this" sabi ko
"Hayaan mo na si Angela. Okay lang 'yun naiintindihan niya ako" sabi ni Lourde
"Futk it" bulong ni Kit
"How can you be so sure na okay yung tao? May sakit ginalit mo mamaya kung anong mangyari doon. Tsaka pwede ba? Hayaan mong ako na lang ang bahala sa lahat? 'wag ka ng makialam kasi nakakagulo ka lang!" sigaw ko at tuluyan ng lumabas
Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko kapag may nangyari kay Angela. Kasabay kong lumabas si Kit at naghiwalay kami ng daan para mas madaling makita si Angela.
Pagliko ko sa kabilang kanto nakita ko ang kotse niya. Pinabilis ko ang takbo ng kotse ko pero huli na. Bumangga nga ito sa poste at rinig ko kahit sa loob ng sasakyan ko ang lakas ng pagkabangga.
"Putangina!" sigaw ko ng makalapit na ako ng tuluyan sa sirang kotse ni Angela
Dali dali kong tinawagan si Kit sa ospital na pagdadalhan kay Angela at sinabing magkita na lang doon. Dahan dahan kong binuhat ang walang malay na si Angela. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Lagi ko na lang siyang nasasaktan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na wala ako sa tabi niya bago mangyari 'to.
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?