C19

16 3 0
                                    

They want us to get married

Parang sinaksak ang buong puso ko ng paulit-ulit sa sakit. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Ang alam ko lang yung luha ko tuloy-tuloy ng dumadaloy.

Nanatiling nakatayo lang ako doon. Yung kamay ni Lourde nabitawan ko na.

"Angela... Sorry..." hingi niya ng tawad

"Angela" humakbang si Jerome

Ngayong nalaman ko na talaga ayaw ko na talagang magpalapit sa kanya. Umatras ako ng malaking espasyo. Baka magwala ako sa sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.

"I said don't come near me!" sigaw ko

Bumalik siya sa pwesto niya kanina. Umiiyak na din siya. Gustong-gusto kong punasan iyon at yakapin na lan siya. Yung tipong di ko na siya papakawalan. Ang hirap! Di ko din kayang sumira ng kumpanya para sa ikasasaya ko.

Ang sakit pala talaga ng ganito. Iniisip ko pa lang na siya yung nasa may altar pero hindi ako yung babaeng inaantay niya nasasaktan na ako.

Nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam kung saan ko pa ililingon yung ulo ko para mawala sa kaiisip noon. Paikot-ikot na din ako sa pwesto para maibsan pero wala! Ang sakit talaga!

Lahat kami umiiyak na. Ang sakit talaga. Sana kainin na lang ako ngayon ng lupa. O sana hindi na lang pala kami lumipat, edi sana di ko sila kilala. Hindi sana ako nasasaktan.

Yung dating batang nagpasaya sa akin ng husto siya din pa lang magpapasakit sa akin ng todo. Yung batang hinihiling kong makita ko ulit na ngayon pinagsisisihan ko.

"Jerome. You didn't fight for the two of you? You call that Love? Seriously!" sigaw ni Sam

"Kinalaban ko sila. Pero nagmakaawa yung Dad niya..." sabi ni Jerome "Naisip kong tum-"

"Na kaya mong iwan si Angela para diyan? Gaano mo talaga siya kamahal? O minahal mo ba talaga siya?" tanong naman ni Yuri

"Minahal ko siya! Kaya halos mabaliw-baliw ako sa taas sa pagtatanong ng ibang paraan pero ayaw nila!" napasigaw na si Jerome

Naliwanagan ako sa sinabi niya. Pero yung salitang kasal, naaalala ko dahilan para masaktan ako lalo.

"Alam naming gusto mong tumulong pero para iwan siya ng ganon ganon lang? Hindi sapat Jerome! Hindi sapat" napa iling si Mitch

Tama lang naman ang binigay niya. Sa tingin ko nga ako pa ang nagkulang.

Iintindihin ko na lang yung mga sinabi niya. Dahil ako ang malaya ako ang makakapagdesisyon. Hindi madali para sa akin itong gagawin ko. Pero para sa mahal ko, kahit ikamatay ko gagawin ko.

"Sapat lang naman. Ako pa yata yung nagkulang" sabi ko

Kailangan ko itong gawin para sa kumpanya. Para kay Lourde. Para makatulong ako.

Hindi ko sinasabing hindi ko matutulungan diyan si Jerome. Minahal niya na dati si Lourde at imposibleng di iyon bumalik kung ikakasal nga sila.

Sa palagay ko, natulungan ko si Jerome na ilapit sa babaeng karapat dapat para sa kanya. Yung taong nakatadhana sa kanya. Maaaring isa lang ako sa pagsubok na dumaan sa tadhana nila. Ngayon, panahon na sigurong umalis ako.

"Gosh Angela! You're really insane! You really want to hurt yourself aren't you?" sigaw ni Sam

Lumapit pa siya para yugyugin ako. Para daw gisingin sa katotohanang kami. Sila ata yung tulog. Ang katotohanang di nila makita ay kailangan ni Lourde na tulong at wala ng ibang paraan bukod sa kasal... nila ni Jerome.

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon