CHAPTER 3

8.9K 372 43
                                    

Mark Joseph's Point of View:

Pinabalik ako ni mama sa loob ng kuwarto ko nang makita niya ang suot kong damit. "Mark, hubarin mo 'yang suot mo. Hindi bagay sa'yo ang kulay pink." Hinalungkat ni mama ang damitan ko. "Magsuot ka dapat ng kulay white or black. Para lalaking-lalaki ka tingnan."

Nakasimangot akong umupo sa kama habang namimili ng pamalit na damit si mama sa loob ng kabinet ko. "Hindi lang naman po mga babae ang nagsusuot ng kulay pink na damit, Ma."

Inihagis sa akin ni mama ang nakuha niyang kulay white na t-shirt. "Alam ko naman 'yon, Mark. Ang kaso nga lang, hindi bagay sa'yo ang pink. 'Yang ibinigay ko sa'yo ang isuot mo. Magsuot ka rin ng kulay itim na bracelet at sumbrero."

Wala na akong nagawa pa kaya sinunod ko na lang ang lahat ng gusto ni mama. Ganito siya kahigpit sa aming dalawa ng kapatid kong si Jasper pagdating sa suot naming damit. Kapag hindi pasado sa panlasa niya ang suot namin, pinapapaltan niya.

Ayaw ni mama na magmukha kaming malambot kumilos ng kapatid ko. Ayaw kasi niyang maging bakla kami ni Jasper, at makigaya pa sa pitong bakla sa lahi ni papa. Sinabi sa amin noon ni mama na baka hindi niya kayanin kung magiging bakla rin kami ng kapatid ko.

Sa awa naman ng Diyos, heto at pareho pa kaming bakla ni Jasper. Itinago namin ang totoo kay mama dahil alam naming magagalit siya. Ayaw din namin siyang bigyan ng problema dahil madali siyang ma-stress. Wala na kaming lakas ng loob na sabihin kay mama ang totoo, na sadyang malakas ang kapit ng dugo ni papa at pati kami ay hindi nakaligtas.

Humarap ako kay mama pagkatapos kong magsuot ng sumbrero. "Okay na ba 'to, Ma? P'wede na po ba akong umalis?" I asked.

Ngumiti sa akin si mama saka niya ako binigyan ng pera. "Approve na sa akin iyan, Mark. Pogi na pogi ang dating mo. Mag-ingat ka. Kung gagabihin ka sa pag-uwi, magsabi ka sa akin para mapasundo kita sa driver natin. Tandaan..."

"Ayos lang mambabae, 'wag lang manlalaki." Ako na ang tumapos ng sasabihin ni mama.

"Mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo anak. Second year high school ka na ngayon diba? Dalawang taon pa, papayag na ako na magkaroon ka ng girlfriend. Okay?" Sabi ni mama.

"Ma, study first bago girlfriend." I said.

Pero kung boyfriend, okay lang isabay sa pag-aaral. Insperation. Hanggang sa isip ko na lang kayang sabihin ang mga salitang iyon.

Kung ang ibang mga magulang, ayaw magkaroon ng karelasyon ang anak nila sa murang edad. Ang mama ko, pinagtutulakan kaming manligaw.

"Anak, nasabi ko na sa'yo diba na may kinakasamang lalaki ang papa mo. Siguro naman ayos lang sa inyo ni Jasper kung magpapaligaw ako. Gusto ko kasi maranasan na magsuot ng wedding gown. Sayang naman kasi ang beauty ko." Sabi ni mama.

Humalik ako sa pisngi ni mama. "Aalis na po ako." Saka ako lumabas ng kuwarto. Pagbaba ko sa hagdan, lumabas na agad ako ng bahay.

Hindi ko sinagot si mama kasi ayokong magpakasal siya sa iba. Umaasa pa rin kasi kami ni Jasper na magkakabalikan sila ni papa. Hangga't hindi ko naririnig mismo sa bibig ni papa na may kinakasama na nga siyang lalaki, aasa pa rin kami na mabubuo ang pamilya namin.

Pumunta ako sa sakayan ng taxi. Ilang minuto lang ang byahe bago ako nakarating sa isang restaurant kung saan ako palihim na makikipagkita kay papa. Hindi ko nakasama papunta rito si Jasper dahil mayroon silang group project na dapat tapusin.

Nakangiti akong sinalubong ng waitress pagpasok ko sa isang malaking restaurant. "Table for two please." I said.

Sinamahan ako ng waitress papunta sa table na malapit sa air conditioner. Pag-upo ko sa couch, inabutan niya agad ako ng menu.

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon