Mark Joseph's Point of View:
Kinausap ako ni mama kung bakit bigla akong umiyak kanina. Sinabi ko lang na, masaya ako para sa kanya at nalulungkot lang ako dahil mahahati na ang atensyon niya para sa aming dalawa ni Jasper at sa mapapangasawa niya. Nagsinungaling ako kay mama, dahil ang totoo, hindi ko magawang maging masaya para sa kanila. Nasasaktan ako, at sa tingin ko, masasaktan ako habang buhay.
Pero unti-unti akong nakukunsensya sa pagsisinungaling na ginagawa ko, laluna nang sabihin sa akin ni mama na hindi mahahati ang atensyon niya para sa amin ni Jasper. Nang yakapin niya ako kanina, wala siyang tigil sa pagpapasalamat sa akin dahil sa sinabi kong masaya ako para sa kanya. Dahil noon, ayokong palitan niya si papa. Ang gusto ko noon, magkabalikan sila.
Nagkulong ako ng ilang oras sa loob ng aking silid para mag-isip. Nakinig pa ako ng music hanggang sa magsawa ako sa kakaiyak. Isinaksak ko sa utak ko na hindi ako mahal ni Kyle, at magpapakasal siya sa isang babae hanggang sa magkaroon siya ng sarili niyang pamilya. Na kahit ano ang gawin ko, hindi na siya babalik sa akin. Dahil hindi naman ako ang pinili niya.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama saka ako pumunta sa banyo. Pagharap ko sa salamin, nakita kong namumula na ang mga mata ko pati na rin ang aking ilong. Halatang umiyak ako ng matindi.
Mukha na akong baliw. Ang gulo-gulo pa ng buhok ko.
Sumilip ako sa labas ng banyo nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking silid. "Jasper, sabi ko kumatok ka muna bago ka pumasok sa kuwarto ko diba?"
Tumingin ng matagal sa akin si Jasper saka siya napabuntong-hininga. "Galit agad, kuya? Akala ko kasi natutulog ka. At dahil isa kang dakilang tulog mantika, pumasok na ako para sana gisingin ka. Iyon pala, gising na gising ka."
Sinundan ko ng tingin si Jasper, hangang sa umupo siya sa kama habang pinagmamasdan ang mga picture na naka-display sa ibabaw ng cabinet. "Kuya, sa tingin ko. Dapat mo nang tanggalin ang lahat ng picture ni Kyle dito sa kuwarto mo."
Bumalik ako sa harap ng lavatory, saka ako naghilamos ng malamig na tubig. "Jasper, hindi naman solo picture niya ang naka-display dito sa kuwarto ko. Kaya bakit ko pa kailangang tanggalin?" I said. Hinila ko iyong tuyong bimpo na nakasabit sa gilid para punasan ang mukha ko. Pagkatapos, humiga ulit ako sa kama.
Humiga din si Jasper sa kama ko sa bandang gilid, at malungkot siyang tumingin sa akin. "Kahit na kuya. Masasaktan ka lang kung makikita mo siya araw-araw. Malaking tulong na kung hindi mo siya makikita bago ka matulog. Sana ngayon palang, kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa kanya hangga't maaga pa."
Bahagya akong natawa sa sinabi ni Jasper, ano raw? hangga't maaga pa? Alam ni Jasper na mayroon akong gusto kay Kyle, pero hindi niya alam na nagkaroon kami ng relasyon. Ang hindi niya alam, huli na para sabihin pa niya ang ganoong bagay sa akin. "Huwag kang mag-alala. Iiwasan ko na lang siya."
"Ay kuya, tanga lang? Isip-isip ka rin pag may time. Puwede? Alam ni mama at tito Felix na close ka kay Kyle. Kapag umiwas ka, baka isipin nila nag-away kayong dalawa. At ano ang sasabihin mo sa kanya kapag napansin niyang iniiwasan mo siya." Mahinang sabi ni Jasper.
Nakuha pa niya akong tawaging kuya pagkatapos niya akong sabihan ng tanga. "Maka tanga, wagas ah. Eh ano ang gagawin ko kung hindi ko siya puwedeng iwasan?" I asked.
"Gaga, eh di kalimutan mo ang nararamdaman mo para sa kanya." Sabi ni Jasper.
Bumangon ako at hinampas ko ng malakas ang braso ni Jasper, saka ko siya itinulak hanggang sa kusa na siyang bumangon. "Umalis ka na nga rito. Wala kang naitutulong. Paano ko naman iyon gagawin! Madali lang iyan sabihin."
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...