Benjamine Kyle's Point of View:
Pumasok ako sa loob ng kubo at isinara ko ang pinto upang marinig ko ng mabuti ang tinig ni daddy. Gusto kong makasigurado kung tama ang mga narinig ko. At iniiwasan ko rin na makita ng aking mga kaibigan ang magiging reaksyon ko.
"Dad, sigurado ka na ba? Hindi po ba may asawa na siya?" I asked.
"Benjamine, hindi kasal si Natalie kay William. At sigurado na ako sa kanya. Natapos na nga namin ang mga preparations para sa wedding. Mamimigay na lang kami ng invitation kapag alam na nina Mark at Jasper ang tungkol sa aming dalawa ni Natalie." Sabi ni daddy mula sa kabilang linya.
Ang mga salitang iyon mula kay daddy, ang humatak pababa sa namumuong luha sa aking mga mata. Nasaktan ako. Pakiramdam ko, unti-unting inilalayo sa akin ang taong mahal ko.
Parang dinala si MJ sa lugar kung saan hindi ko siya maaaring mahawakan... kung saan hindi ko siya maaaring mahalin... at kung saan bawal ang lahat para sa amin.
Parang gusto kong lumuhod at makiusap kay daddy, na baka puwedeng iba na lang... Ibang babae na lang...
Pero nang marinig ko ang masayang tinig ni daddy, habang sinasabi niya sa akin ang plano nilang pagpapakasal. Para akong inuuyam ng sarili kong kunsensya kung ipagkakait ko sa kanya ang maging masaya.
Pero bakit? Bakit laging kailangan na masaktan ako para lang mapasaya ko siya?
"Benjamine? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"
Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa aking pisngi. At sinigurado ko na maayos ang tinig na lalabas sa aking bibig. "Dad, parang humina po bigla ang signal dito. Hindi ko po kayo marinig ng maayos. Pag-usapan na lang po natin 'to ulit pag-uwi ko sa bahay." I lied.
"Okay, I understand. Mag-ingat na lang kayo diyan. 'Wag mo sanang sabihin kay Mark ang tungkol sa mga pinag-usapan natin ngayon. Hayaan mong si Natalie ang unang magsabi sa kanya."
"Bye, Dad." I said. Pagkatapos, pinindot ko na ang end call button.
Tumingin ako sa buong paligid at nag-isip nang kung ano. Hindi ko alam kung paano ko iiwan si MJ, oras na malaman na niya ang totoo. Pero ang tanong, kaya ko ba siyang itulak palayo?
Inihagis ko sa sahig ang cellphone ko saka ako lumabas ng kubo. Pagkatapos, tumalon ako sa swimming pool para masigurado kong mababasa ng husto ang aking mukha. Narito kami para magsaya, ayokong masira ang bakasyon namin dahil sa nalaman ko. Sa ngayon, pipilitin ko na lang muna ang sarili ko na ngumiti.
"Laro tayo!" I said.
Marami kaming sinubukang laruin hanggang sa tuluyan kaming mapagod. Saka lang namin naisipang magpahinga nang makaramdam kami ng gutom. Naligo muna kami kaya't ginabi na kami sa pagluluto ng ulam, nagtira na lang kami ng lulutuin para bukas ng umaga bago kami umuwi.
Sabay-sabay kaming kumain habang nakalubog ang mga paa namin sa tubig. Pinagitnaan namin ni Haru si Chris. Habang nasa magkabilang dulo naman sina MJ at Luis.
"Lord! Bakit wala akong love life!" Sigaw ni Chris.
"Paano ka magkakaroon ng love life eh ayaw mo namang tumingin sa iba." Sabi ni Haru.
Sandaling natahimik si Chris dahil sa sinabi ni Haru. Nahalata ko sa mukha niya na hanggang ngayon, mahal pa niya si Luis. "Sibukan ko naman. Napapalapit na nga ako ngayon kay Carla eh. Hindi ko pa nga lang siya mahal. Ewan ko ba, mabait naman siya eh."
"Ganyan ata talaga kapag mahal mo. Hindi mo na nga kayang kalimutan. Hindi mo pa kayang paltan kahit ilang beses mong subukan." I said.
Hindi ko alam kung bakit sabay-sabay silang nagtinginan sa akin; may halong pagtataka ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
De TodoDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...