CHAPTER 11

4.8K 189 9
                                    

Benjamine Kyle's Point of View:

Mahigit limang oras na yata akong nakaupo rito sa sahig, habang nakasandal sa pinto ng aking silid. Pumwesto ako rito sa tapat ng pinto para marinig ko agad ang tinig ni MJ kung sakaling tawagin niya ako. Itinabi ko na rin sa akin ang cellphone ko para marinig ko agad kung sakaling mag-message naman siya sa akin.

Hindi ako makatulog, dahil maraming tanong na pumapasok sa isipan ko na hindi ko magawang bigyan ng kasagutan. Hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni daddy kanina tungkol sa balak niyang pagpapakasal kay tita Natalie.

Naisip ko lang. Kung sakaling matuloy ang pagpapakasal nilang dalawa, kayanin ko kayang tingnan si MJ bilang isang kapatid? Kung sa tuwing nakikita ko siya, kulang na lang... hubaran ko siya sa tingin.

Makayanan ko kaya siyang iwan at iwasan? Kung sa bawat oras ng buhay ko... siya ang gusto kong makasama.

Paano kung isa na lang akong kapatid sa buhay niya. Magawa ko kayang pabayaang mapunta siya sa iba? Kahit na ang gusto ko... sa akin lang siya.

Hindi ko na alam kung paano pa ako magmamahal ng iba. Kung pakiramdam ko... siya lang ang kayang mahalin ng puso ko, at siya lang ang tanging napapansin ng mga mata ko.

Inisip ko ang mukha ni daddy habang sinasabi niya sa akin na may plano siyang magpakasal. Sa tuwing masayang mukha ang pumapasok sa isipan ko, hindi ko maatim na hindi ibigay sa kanya ang bagay na alam kong magpapasaya sa kanya.

Alam ko na kapag nalaman ni MJ ang tungkol sa pagpapakasal ng mama niya, maiinitindihan niya ako. Dahil katulad ko, mahalaga rin para sa kanya ang kanyang pamilya.

Ngunit may isa pang gumugulo sa aking isipan, iyon ay ang itinanong sa akin ni Haru tungkol sa haphephobia ni MJ. Maraming taon ko na siyang nakasama, pero hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung ano ang naging dahilan.

Hindi ko na natiis na maghintay pa ng ilang oras, kaya lumabas ako ng kuwarto at kumatok sa pinto ng silid ni MJ. Hindi siya sumasagot, kaya't binuksan ko na lamang ang pinto nang wala ang kanyang pahintulot. Pagpasok ko, nakita ko siyang mahimbing na natutulog, habang yakap ang isang unan na nasa kanyang gilid.

Hinagod ko ang kanyang noo habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. "Mukhang ayos na ang pakiramdam mo." I whispered.

Inayos ko ng mabuti ang kumot na gamit ni MJ saka ko hininaan ang aircon dahil wagas na siya kung mamaluktot. Pagkatapos, tahimik akong lumabas ng silid para bumalik sa kuwarto ko.

Kinuha ko ang ipad air na nakapatong sa maliit na table na malapit sa bintana, saka ako umupo sa kama at sumandal sa pader. Binuksan ko ang browser na safari para mag-search sa Google tungkol sa haphephobia. Maraming lumabas na result, pero ang pinili kong buksan na link ay ang sa Wikipedia.

Haphephobia, is a rare specific phobia that involves the fear of touching or of being touched...

Huminto ako sandali sa pagbabasa para ihanda ang sarili ko sa maaari kong malaman. Ngayon na sigurado na akong ito nga ang impormasyong hinahanap ko. Itinuloy ko ang pagbabasa.

Some people are born with haphephobia, while others may develop it, predominantly after a bad experience. Sometimes, the fear is restricted specifically, or predominantly, to being touched by people of the opposite or same sex. This is often associated with a fear of sexual assault.

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon