CHAPTER 6

6.9K 307 34
                                    

Benjamine Kyle's Point of View:

Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha ni MJ. Halatang hindi siya galit sa ginawa kong paghalik sa kanya; mukha lang siyang nagulat dahil sa nanlalaki niyang mga mata. "Uulitin ko ng mas malinaw ang tanong ko sa 'yo, MJ. Mahal mo ba ako higit pa sa kaibigan?"

Sabay kaming dalawa ni MJ na napatingin sa pinto ng kuwarto nang makarinig kami ng malakas na boses mula sa ibaba ng bahay; boses iyon ng isang lalaki.

"Kuya! Bakit iniwan mong nakabukas ang pinto!? Hindi mo man lang naisipang i-lock!? Wala namang tao rito sa ibaba! Kuya!?"

Napatitig ako kay MJ nang bigla siyang mataranta. "Lagot na. Si Jasper." Aniya.

Nagtaka ako nang bigla na lamang akong hilahin ni MJ papunta sa loob ng banyo. Itinulak niya ako paupo sa gilid ng bathtub. "Kyle, dito ka lang muna ha? 'Wag kang lalabas dito kahit ano ang mangyari."

Hinawakan ko sa braso si MJ nang makita kong lalabas na siya. "Teka lang, MJ. Bakit kailangan ko pang magtago?" I asked.

"Mag-iisip nang kung ano ang kapatid ko kapag nakita niyang nandito ka sa kuwarto ko. Kilala ka niya kasi. Basta dito ka lang! Kapag lumabas ka rito lagot ka sa akin!" Sabi ni MJ, sabay sara ng pinto rito sa banyo.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magtago rito, kung kilala naman pala ako ng kapatid niya. Ano naman ang masama kung magkasama kami rito sa kuwarto niya? Pero dahil ayokong magalit siya sa akin, tahimik lang akong tumayo sa tabi ng pinto rito sa loob ng banyo.

Ilang sandali pa, nakarinig ako ng binuksang pinto at kaunting ingay.

"Kuya, bakit hindi mo isinara 'yong pinto sa ibaba? Paano kung may biglang ibang taong pumasok rito? Wala ka talagang ingat." Sabi ni Jasper.

Ayos ah, kung magsalita siya parang siya pa ang mas matanda sa kanilang dalawa ni MJ. Kung ako ang magsalita ng ganito sa kuya ko, kutos ang abot ko.

"Bakit nandito ka na? Akala ko ba gagabihin ka ng uwi?" Tanong ni MJ.

"Dumaan lang naman ako kasi kailangan ko ng pera. Manghihingi sana ako kay mama. Kulang kasi ang dala kong pera kanina. May pupuntahan pa kami ng mga kaibigan ko. Nandito ba si mama?" Tanong ni Jasper.

"Wala pa! Alam mo namang mamaya pang gabi makakauwi 'yon eh." Sabi ni MJ.

Nagsalubong bigla ang kilay ko nang biglang magbago ang tono ng boses ni Jasper. Naging malambot iyon at malambing.

"Good wala si Mudra. Ay kuya, alam ko mabait ka. At may extra kang kagandahan today. Pahingi muna ako ng datung para makaalis na-"

"Ayan na! Alis na! Bilis!" Sabi ni MJ.

"Kuya, ang harsh ha. Sa bibig ko talaga? Nga pala nag-text sa akin si JK kanina. Sabi niya kumain daw tayo sa labas bukas, libre niya. At isasama niya si Lester! Ahay! Kuya, dapat sumama ka. 'Wag kang kill joy. Alam mo naman."

Ipinagkadikit ko nang husto ang aking tainga sa pinto ng banyo nang makarinig ako ng pangalan ng lalaki. Sino naman kaya si Lester at JK?

"Oo na! Sasama ako! Lalandi ka lang naman ata kay Lester eh." Sabi ni MJ.

"Excuse me, Mark Joseph Serrano. 'Wag kang magmalinis. If I know, pinagpapantasyahan mo rin 'yong classmate mong si Kyle gabi..."

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon