Mark Joseph' Point of View:
Hindi na ako nakakilos pa nang mag-init ang aking palad. Para akong naghihintay ng kasunod sa ginawa niya, habang pinagmamasdan ko ang nakakaakit niyang mukha. Nagiging unfair na ata ang tadhana sa akin. Bakit inilalapit niya pa ako sa taong hindi naman dapat? Gusto ba niyang madagdagan ang pagkakasala ko?
"MJ..." pagtawag ni Kyle sa akin.
Tiningnan ko lang si Kyle, hanggang sa kusa nang pumaling sa kaliwa ang aking mukha, nang mapansin kong papalapit sa aking leeg ang kanyang mapulang labi. Matapos niyang halikan ang aking leeg, bahagya niyang kinagat ang aking tainga na aking ikinagulat.
"Haaa—"
Dali-dali kong tinakpan ang aking bibig nang mayroon itong nilikhang kung anong tunog mula sa aking tinig.
"Push me, MJ," bulong ni Kyle nang bitawan niya ang aking kamay.
At ang ikinagulat ko, naiwan ang kamay kong nahawak pa rin sa kanyang pagkalalaki. Hindi ko iyon magawang tanggalin, at lalong hindi ko siya magawang itulak. Sa halip, gusto ko siyang hatakin palapit sa akin.
Kailangan ko na naman bang murahin ang aking sarili, bago ko siya magawang itulak palayo sa akin? Bakit kung kailan binibigyan na niya ako ng pagkakataon na pumili sa dapat at hindi niya dapat gawin, saka naman ako naguguluhan. Bakit ba hirap na hirap akong turuan ang puso ko na kalimutan siya. Na ipaunawa sa sarili ko na hindi kami pwede. At hindi kami magiging pwede kahit kailan. Kahit pa iyon ang gusto ko. Kahit hilingin ko pa. Alam ko naman na iyon ang kaisa-isahang bagay na hindi ko pwedeng makuha.
Pero kahit masakit. Kahit alam ko namang mali. Sa tuwing kasama ko siya, lalo ko lang siyang minamahal. Minsan, nakakalimutan ko ang iisipin ng ibang tao tungkol sa amin. At pakiramdam ko, kami ang tama at sila ang mali.
Pinagmasdan ko si Kyle at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Kiss me..."
Maganda ang ipinakitang ngiti ni Kyle nang tumingin siya sa aking mga mata. Ang mga tingin niyang tila nagsasabi sa akin na yakapin ko siya ng mahigpit. Na mahal na mahal niya ako. Na gagawin niya ang lahat para sa akin.
"Mahal kita... BK."
Inilapat niya ang kanyang palad sa aking kaliwang kamay, saka siya pumikit at pinakiramdaman ang mainit kong palad na nakalapat naman sa kanyang pisngi.
"Mahal din kita, MJ. Mahal na mahal..."
Nang imulat ni Kyle ang kanyang mga mata, inabangan ko ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Pumikit ako at pinakiramdaman ang mariin niyang paghalik sa akin. Isang halik na masasabi kong sabik na sabik.
Para akong lalagnatin, nang maramdaman ko ang marahan na haplos ng kanyang kamay simula sa aking sikmura papasok sa suot kong underwear. Ngunit agad iyong napalitan ng gulat nang makarinig ako nang isang pamilyar na tinig.
"Kyle! Ito na bag mo! Binigay sa akin ni Shane!" sigaw ni Chris mula sa labas ng bahay.
Sigurado akong takot ang gumihit sa aking mukha nang lumingon ako sa bintana na nasa aming tapat. Nakahinga ako ng maluwang nang makita kong nakasarado iyon.
Para akong nagising mula sa isang magandang panaginip nang umupo ako at itulak si Kyle palayo sa akin. Sa isang iglap, parang binawi ang lahat sa akin. Para lang paltan ng isang kaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/45026238-288-k245560.jpg)
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...