Benjamine Kyle's Point of View:
Isang nanghihina at sobrang payat na mga kamay ang humawak sa aking palad. "Benjamine, you have to make sure that your daddy will be happy, okay?"
Kumurap ako ng maraming ulit nang mapag-alaman kong natulala ako sa hawak kong orasan habang nakahiga. May pumasok na namang alaala sa aking isipan. Napapadalas na ito tuwing pinipilit kong bumangon ng maaga.
Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa picture frame kung saan naroon ang litrato ni mommy; nakapatong iyon sa ibabaw ng study table na malapit sa aking kama.
"Morning, Mom." I said.
Kapag naaalala ko ang bilin na iyon sa akin ni moomy noon, pakiramdam ko ay mayroon akong nagawang hindi maganda sa daddy ko. Parang pinapaalala ulit sa akin ni mommy na kailangan kong maging mabuting anak.
Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa tabi ng aking unan. Nag-text ako kay MJ.
To: Gorgeous
Good morning, MJ. See you later.
Naghintay ako ng tatlong minuto para alamin kung magre-reply agad si MJ sa akin, pero napanis lang ang ngiti ko dahil hindi siya nag-reply. Wala talaga siyang kahit kaunting kalambingan sa katawan. Para good morning lang hindi pa niya maibigay sa akin.
Pagkatapos kong ayusin ang aking pinaghigaan, humarap ako sa salamin para sana purihin ang sarili ko, nang bigla na lang pumasok sa aking silid si daddy. Hindi man lang siya kumatok. Nahuli tuloy niya akong nakangiti habang nakalapit ng husto ang mukha ko sa salamin at pataas-taas pa ng kilay.
"Benjamine, ano pa ang ginagawa mo dyan? Gising ka na pala, hindi ka pa bumaba. Kumain ka na. Hindi pagkain ang maghihintay sa'yo." Sabi ni daddy.
Napakamot na lang ako sa ulo habang papalayo ako sa mahal kong salamin. Naantala pa ang daily routine ko. Naniniwala kasi ako na dapat araw-araw kang magpasalamat sa biyaya ng Diyos sa'yo, tulad na lang ng mukha ko.
"Nag-ayos lang po ako ng kama. Bababa na po ako." I said.
Inabutan ako ng five hundred pesos ni daddy. "Baon mo 'yan hanggang friday."
"Thanks, Dad."
Palabas na sana ng kuwarto ko si daddy nang bigla siyang bumalik. "Tungkol nga pala sa pinag-usapan natin noong isang araw. Gusto ko na Management ang kunin mong kurso sa kolehiyo. At tulad ng napag-usapan natin, ililipat kita ng school oras na mabalitaan ko na nasangkot ka sa gulo, o kaya naman, may palakol sa report card mo. Nagkakaintindihan ba tayo, Benjamine?"
"Yes, Dad."
"Piliin mo rin ang mga kaibigan mo. Ang gusto ko 'yong matino at marunong mag-aral. Ayoko sa mga naging barkada mo noong elementary ka na walang ginawa kundi isama ka sa kalokohan, maliwanag?" Tanong ni daddy.
"Yes, Dad."
Ngumiti sa akin si daddy na tila may nawalang mabigat sa kanyang balikat. "Aalis na ako. Uuwi ako ng maaga mamaya." Aniya. Pagkatapos, lumabas na siya ng kuwarto ko.
Kinausap ako ni daddy noong isang araw. Siya na raw ang pipili sa kukunin kong kurso sa kolehiyo. Pumayag ako sa gusto niya dahil hindi naman ako mananalo sa kanya. Malayo sa gusto kong kurso ang gusto niya para sa akin. Pero ayos lang, basta makita ko siyang masaya.
Pero pinakiusapan ko si papa noong isang araw na ako ang mamimili ng school na papasukan ko. Hindi na nga ako masaya sa kurso ko pati ba naman sa school? Kaya nakiusap ako sa kanya. Para masigurado ko na magiging schoolmate ko si MJ. Buti na lang at pumayag si daddy. Iyon nga lang, kailangan walang maligaw na palakol sa report card ko ngayong high school.

BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...