Benjamine Kyle's Point of View:
Lahat na yata ng istilo sa pag-upo nagawa ko na, sa tindi ng pagkainip ko. Wala kasi akong ibang magawa dito sa loob ng sasakyan dahil wala sa akin ang cellphone ko; kinuha ni daddy bilang parusa dahil may isang palakol na naligaw sa report card ko.
Paano ba naman kasi iyong isang teacher namin, parang kausap lang ang sarili niya. Mas malakas pa ang boses ng mga nagbubulungan sa tabi ko kumpara sa boses niya kapag nagtuturo. Unang subject pa naman. Hayun! Nakakatulog ako.
Inabot sa akin ni manang Edna ang cellphone niya. "Sir Benjamine, kakausapin ka raw ng daddy mo."
Napabuntong-hininga ako bago kinuha ang cellphone ni manang Edna. Mukhang may take two ang pangaral sa akin ni daddy. "Hello?" I said.
"Hello? Benjamine? Umuwi ka na kaagad pagkatapos ng graduation niyo. Ayokong kung saan-saan ka pa pumunta." Sabi ni daddy mula sa kabilang linya.
Napaayos akong bigla sa pagkakaupo. "Wait lang Dad. Hindi ka... pupunta?" I asked.
"Exactly."
"Pero, Dad. Sabi mo hahabol ka."
"Benjamine, nandyan naman si manang Edna, magpasama ka nalang sa kanya. Marami pa akong importanteng meeting na dapat puntahan kaya hindi na ako makakahabol. Binigyan naman kita ng pera kanina kaya kumain na lang kayo sa labas."
"Dad, hindi mo ba p'wede ipa-cancel 'yong meeting?" I asked.
"My decision is final, Benjamine. Siguro, kung inayos mo ang pag-aaral mo at nakakuha ka ng mas mataas na grades, baka ipa-cancel ko pa. Hindi ako makakauwi mamaya kaya h'wag mo na akong hintayin. Matulog ka ng maaga."
"Yes, Dad." I said.
Ibinalik ko kay manang Edna ang cellphone niya pagkapindot ko sa end call button. "Ako na lang po mag-isa ang pupunta sa school, manang Edna. Umuwi na po kayo. H'wag niyo na po akong hintayin."
"Sir Benjamine, mag-text ka lang sa akin kung kailangan mong magpasundo." Sabi ni manong Gelo.
"Wala po akong cellphone kaya 'wag na lang. Uuwi na lang po akong mag-isa mamaya. Hindi naman ako magpapagabi." I said.
Paghinto ng sasakyan sa tapat ng school, padabog kong isinara ang pinto. Masama ang loob ko kay daddy dahil lahat na lang ng pangako niya sa akin, napapako. Kung buhay pa sana si mommy, sigurado ako na may makakasama ako ngayong araw.
Walang alam unahin si daddy kundi ang magpayaman at palaguin ang sarili niyang kompanya. Naiintindihan ko naman na gusto niya kaming bigyan ng magandang buhay, pero ano ba naman iyong bigyan niya ko kahit isang oras lang.
Minsan, umuuwi lang si daddy sa bahay para kumuha ng damit. Halos ilang minuto ko lang siyang makita sa loob ng isang araw. Simula nang mamatay si mommy, sinubsob na niya ang kanyang sarili sa trabaho. Hindi ko na nga alam kung marunong pa siyang magpahinga.
Napalingon ako sa aking tabi nang marinig ko ang aking pangalan.
"Benjamine?"
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Dr. Izumi kasama ang kanyang napakagandang asawa, at ang payat niyang anak na lalaki na si Haru; sikat ito sa buong school namin dahil sa pagiging matalino.
"Good morning po." I said.
Hinawakan ni Dr. Izumi ang magkabilang balikat ni Haru. "Good morning din sa'yo. Ito nga pala ang anak kong si Haru."
"Hello, Kyle." Bati ni Haru sa akin.
Hindi na ako nagtaka kung bakit kilala ako ni Haru. Sa dami kasi ng gulong ginawa ko sa bawat section, hindi malabong malaman niya ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
De TodoDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...