Mark Joseph' Point of View:
Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang gustong ipaunawa sa akin ni Luis kanina. Pareho lang kami ni Kyle na nasasaktan at nahihirapan sa naging sitwasyon naming dalawa. Magkaiba lang siguro kami pagdating sa pagdadala ng problema. Siguro sa kanya, dinadaan niya sa ngiti. Ako naman, dinadaan ko sa pag-iyak at pagmumukmok sa isang sulok.
Mabuti na lang pala at nakausap ko si Luis kanina. Dahil kung hindi, mukhang matagal akong magiging makasarili. At ngayon, para akong sinampal ng tatlong tao nang maisip ko na ganitong klaseng pagkakaibigan ang hinayaan kong mawala matapos naming maghiwalay ni Kyle.
Iyong kaibigan na hindi ko basta makikita kahit saan. At iyong klase ng kaibigan na hindi ko maipagpapalit kanino man.
Gumaan ang pakiramdam ko nang makausap ko si Kyle. Nandoon pa rin iyong kaunting sakit, sa tuwing maiisip ko na baka kuya na ang itawag ko sa kanya sa susunod na magkita kami. Pero sa ganitong sitwasyon namin. Pakiramdam ko, bumalik kami sa simula. Noong nagtataguan pa kami ng nararamdaman.
"Nagdidilim na, MJ. Ihahatid na kita sa bahay niyo," sabi ni Kyle habang inaayos ang upuan ng bike niya na nasa likod. Tinuunan pa nga niya para makasigurado siyang matibay.
Nang ma-imagine ko kung ano ang magiging itsura naming dalawa kapag umangkas ako sa bike niya. Kinilabutan akong bigla. Magmumukha kaming nagliligawan na nagkakahiyaan, palubog pa naman ang araw at may madadaanan kaming isa pang park. Hindi na lang.
"Magta-taxi na lang ako pauwi. Mananakit ang pwet ko diyan sa bike mo," I said, saka ako naglakad palabas ng park.
"Hep!" hinawakan ni Kyle ang damit ko kaya napahinto ako sa paglalakad. At talagang hawak na hawak siya sa damit ko, parang balak niyang sirain. "Hindi kita pauuwiin mag-isa. Kung ayaw mong umangkas sa akin, dumaan na muna tayo sa bahay ni Haru. Iiwan ko muna itong bike ko doon. Tapos, ihahatid kita sa inyo," mapilit na sabi ni Kyle.
Oras na may gustong gawin si Kyle, mahirap na siyang pigilan. "Oo na. Sige na."
Pagdating namin sa labas ng bahay ni Haru, sumilip kami mula rito sa harapan ng gate. Nakita namin siyang nakaupo sa tapat ng pinto nila habang nagte-text. Mukha siyang seryoso.
"Haru! Paiwan muna ako ng bike!" pasigaw na sabi ni Kyle.
Nang tumingin sa amin si Haru, akala ko mabibitawan niya ang hawak niyang cellphone. Mukha kasi siyang gulat na gulat, siguro dahil magkasama kami ni Kyle.
"Haru, baka gusto mong buksan itong gate?" I said.
Saka pa lamang tumayo si Haru nang masabihan ko siyang pagbuksan kami ng gate. Hindi siya nagtanong kung bakit magkasama kaming dalawa ni Kyle, o kung ayos na kami, basta niya lang kinuha iyong bike ni Kyle at isinandal sa gilid ng bakod nila.
"Babalik ako mamaya. Ihahatid ko lang si MJ sa bahay nila," sabi ni Kyle.
"Huh? MJ?" nagtatakang sabi ni Haru bago niya sinundan ng tingin ang hinlalaki ni Kyle na nakaturo sa akin. "Ah. Okay. Gets ko na. Mag-ingat kayong dalawa." Doon na lang siguro naisip ni Haru na Mark Joseph ang pangalan ko kaya MJ ang tawag sa akin ni Kyle.
"Aalis na kami. Haru, pakisabi na lang kay Luis na salamat," I said.
Halata sa mukha ni Haru ang pagtataka. Nang tumingin siya kay Kyle, nakangiti na siya nang ibalik niya ang kanyang tingin sa akin. "Makakarating."
![](https://img.wattpad.com/cover/45026238-288-k245560.jpg)
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
De TodoDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...