CHAPTER 12

4.5K 191 14
                                    

Mark Joseph's Point of View:

Magaan ang aking pakiramdam nang lumabas ako sa opisina ng therapist ko para sa huli kong counseling. Ito na ang huling counseling ko dahil panahon na para tulungan ko naman ang sarili ko, harapin ang aking takot at maging malakas. Kailangan kong maging positibo sa buhay kahit na walang taong magpapalakas ng loob ko. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, mayroon akong makakasama.

Noon, inaamin ko, naging mahina ako. Iginapos ko ang aking sarili sa matinding takot, at hinayaan ko ang aking isip na gumawa ng isang mundong walang kahit na sinong taong mabuti. Hindi naging sapat ang lakas ng loob ko noon, para tuluyang mawala ang mga panaginip na gumigising sa akin tuwing gabi.

Sa ngayon, itutuloy ko pa rin ang aking exposure therapy. Ako mismo ang lalapit sa mga tao kahit mag-isa lang ako. Tulad ng payo sa akin ni Haru noon, kailangan kong maging malakas, hindi dahil kailangan, kundi dahil gusto ko.

Gusto ko ng normal na buhay, iyong wala akong kailangan iwasan at ingatan. Hindi iyong bawat kilos ng mga tao sa paligid ko, kailangan kong bantayan. Gusto kong matutong makisalamuha sa mga tao, at mapatunayan ko sa aking sarili na... kaya ko.

Paglabas ko ng building, kumaliwa ako papunta sa sakayan ng jeep. Gusto ko sanang subukan ang tapang ko, nang makita ko ang isang lalake na nakasandal sa kulay pulang Corolla Altis na nakaparada sa gilid. Kapansin-pansin ito dahil kung makaporma ay parang pupunta ito sa isang pictorial. Hindi malabong mapatingin sa kanya ang mga magdadaan.

Ang lalaking iyon na takaw pansin kahit saan magpunta ay walang iba kundi si Jonathan Kyle Soriano. Ang lalaking naglayas sa edad na sixteen years old. Isa siya sa tumulong sa akin noong dungisan ako ni Lori. Naging kaibigan ko lamang siya bago ako maka-graduate sa grade six. At siya ang nakatatandang kapatid ni Benjamine Kyle Soriano.

"JK! Ano ang ginagawa mo rito? At anong pakulo iyan? Saan ang lakad mo?" I asked.

Nagkunot noo si JK na may halong pagtataka. "Anong bakit? Diba nag-text ako sa 'yo?"

"Hindi ba obviuos, na hindi ko nabasa?" I said.

Sandaling napanguso si JK saka ibinulsa ang hawak na cellphone. "Aayain sana kitang mag-lunch. Actually, galing na ako sa isang company event. Hindi ako nakakain doon dahil marami akong kinausap na m— Teka, nga pala bakit dito ka dumaan? Diba doon sa kabila ang sakayan ng taxi? May susundo ba sa 'yo?"

"Wala naman. Balak ko sanang subukan na sumakay ng jeep pauwi sa bahay." I said.

Napangiti ako sa naging reaksyon ni JK sa aking sinabi. Nabalot kasi ng pagtataka ang kanyang mukha na halos parang luluwa na ang kanyang mga mata. "Mark, seryoso ka ba talaga sa sinabi mo? Ikaw na bigla na lang nahihilo at manginginig sa tindi ng takot, sasakay ng jeep? Mukhang lumalakas na talaga ang loob mo ah. Okay iyan."

"Subok pa lang naman eh." I said.

Hinila ako ni JK papunta sa tabi niya nang mapalingon siya sa mga taong paparating at dadaan kung saan ako nakatayo. "Buti na lang pala pinuntahan kita. Kasi dapat may kasama ka muna, kapag sa tingin mo kaya mo nang mag-isa, saka mo subukan. Kasi paano kung sa unang subok mo hindi mo pala kaya? Sino ang tutulong sa 'yo kung ayaw mo namang magpahawak sa iba?"

Natauhan ako sa sinabing iyon ni JK sa akin. Kahit isa sa mga iyon, hindi ko naisip kanina. Mali ako, masyado akong nagpadalos-dalos. Buti na lang pala nandito siya at nasibihan niya ako.

"Samahan mo na lang ako. Doon ka na sa bahay mag-lunch, magluluto na lang ako." I said.

"Okay. Hintayin mo ako rito. Mag-pa-park lang ako ng maayos."

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon