Final Chapter
Mark Jospeh' Point of View:
Five years later...
"The heck, it feels good."
Para akong minamasahe gamit ang mahanarayan oil nang lumublob ako sa bathtub na mayroong dalawang cup ng epsom salt. Ang sabi sa akin ng mga kasamahan ko sa trabaho, magaling daw itong pantanggal ng muscle pain. Kaya heto at sinubukan ko bago ako sumabak sa nakaka-stress na trabaho.
Pumipili rin ako ng music video sa youtube for relaxation. Ayon sa mga nabasa ko sa internet, mas makakatulong daw ang music para mas ma-relax ako. Galing ako sa masayang two weeks na bakasyon, kaya naman masakit ang katawan ko sa dami kong napuntahan nang mag-out of town ako.
Pipindutin ko na sana ang play button nang makapili ako ng music for relaxation, nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Si Chris na naman. Maaga siya ngayon. Sinagot ko agad ang tawag niya.
"Hel—"
"Welcome back sa manila, Mark Joseph Serrano! Kamusta ang two weeks na bakasyon na walang deadline at nakakakunsumeng team member?" bungad ni Chris sa akin mula sa kabilang linya.
"Masaya. Laluna't wala ka. Pinapaalam ko lang sa iyo na wala kang pasalubong sa akin."
"Ako pa ba ang makalimutan mong bilan ng pasalubong? Anyway, sana dumaan kayo rito sa shop ni Luis. Nandito kami ni Haru para mag-breakfast. Na-miss ka niya."
"Balak talaga namin na dumaan diyan. At huwag mo nang idamay si Haru para lang maisabay ka namin papunta sa office. Para-paraan ka na naman. Manoy mag-aral kang mag-drive."
Narinig ko na parang may natawa mula sa kabilang linya. Kung pagbabasihan sa boses, parang si Haru ang narinig ko. Nakarinig din ako ng malakas na lagapak sa kung saan mang parte ng katawan iyon. Nakatikim siguro ng hampas si Haru mula kay Chris.
Mukhang naka-loudspeaker pa ata ang lalaking ito.
"Gusto ko naman matuto na mag-drive. Kaso baka bi—"
Hindi ko na napakinggan pa ang sunod na sinabi ni Chris nang marinig kong bumukas ang pinto rito sa banyo. Mula sa medyo manipis na shower curtain, naaninag ko ang hubog ng isang hubad na katawan. Nagsalubong ang kilay ko nang makarinig ako ng ini-lock na pinto.
Not again...
"Mamaya na lang ulit, Chris. Basta dadaan kami diyan," I said, saka ko agad na pinindot ang end call button.
Sumilip ako sa gilid nang hawiin niya ang shower curtain. Ang maputi niyang kutis ang una kong napansin—pantay at masasabing inalagaan. At ang magandang hubog ng kanyang katawan ay sadyang hindi ko maipagkakaila.
"Good morning, Maci."
Ngumiti sa akin si Maci, "good morning." Kinuha niya ang aking cellphone saka iyon ipinatong sa gilid ng bathroom sink.
"Dumaan daw tayo sa shop ni Luis sabi ni Chris. Doon na tayo magbreakfast," I said.
Inilublob ni Maci sa tubig ang kaliwa niyang paa na tila nais niyang tantsahin ang temperatura ng tubig dito sa bathtub.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...