CHAPTER 39

3.1K 136 14
                                    

Benjamine Kyle' Point of View:

Hindi ko maiwasan na matulala habang naglalakad ako. Ni hindi ko na nga nagawang humingi ng paumanhin sa mga taong nabangga ko sa daan. Para akong lasing na hindi naman nakainom ng alak. At para akong nasiraan ng bait kahit normal naman ang aking pag-iisip.

Go ahead, Benjamine. Leave me too. Iyan ang mga salitang paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan na tila musikang nais kong pagsawaan.

Si Daddy, iniwan siya ng papa niya noong high school palang siya. At isa-isang nag-asawa ang mga kapatid niya at umalis papunta sa ibang bansa. Pagkatapos, nawalan naman siya ng asawa na naghatid ng matinding depression sa kanya. Sunod, iniwan siya ng paburito niyang anak para sa isang pangarap.

Noon ang sabi ko sa sarili ko, hindi ko iyon gagawin sa kanya. Pero heto ako. Iniwan ko rin siya. Tulad nila—wala rin akong pinag-iba.

Napangisi ako nang lagpasan ko ang boarding house kung saan ako tumutuloy. Saan ko ba balak pumunta? Seseryosohin ko na ba ang sinabi niyang malapit na akong mamalimos?

Malakas ang loob ko noon nang umalis ako sa bahay namin. Ang nasa isip ko pa noon, hindi na ako babalik kahit kailan dahil baka may masira lang ako. Napakarami kong balak gawin at mga bagay na matagal ko nang gustong subukan nang mga araw na iyon. Pero nang makausap ko na si Daddy kanina, pakiramdam ko, isinumpa akong magkamali at panghinaan ng loob.

Kaya heto ako at napapaisip, kaya ko bang buhayin ang sarili ko?

Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ko ang isang taong nawalan ng mga magulang bago pa man siya tumuntong ng high school. Dumaan siya sa matinding paghihirap, pero sa bandang huli, nakuha niyang maging masaya at gawin ang pangarap niya sa buhay.

Kumpara sa akin, mas mahirap ang pinagdaanan niya. Kaya bakit hindi ko kakayanin?

Napangiti ako. "Damn you, Haru."

Pumunta ako sa pinakamalapit na mall kung saan ako naroon. Naghanap ako ng payphone para tawagan si Haru. Limang ring ang narinig ko bago niya sinagot ang tawag ko.

"Haru..."

"Walang hiya ka! Bakit ngayon ka lang tumawag!?" pasigaw na sabi sa akin ni Haru mula sa kabilang linya. Nabosesan niya ako agad.

"Hindi mo ako asawa. Huwag kang maghuramentado."

"Alam ko! Nasaan ka? Sumagot ka kung ayaw mong makatikim ka ng isa."

Makatikim ng isa? Oh well...

"Puntahan mo ako. Please lang, ikaw lang. 'Wag ka nang magsabit ng resbak."

Nang masabi ko kay Haru kung nasaan ako, binabaan niya agad ako ng telepono. Napapangiti ako kahit parang may balak siyang saktan ako. Sa tono palang kasi ng boses niya, alam ko, nag-aalala siya para sa akin.

Makalipas ang mahigit dalawang oras na paghihintay dito sa labas ng mall, may humintong taxi sa harapan ko. Bumaba mula roon si Haru. May dala siyang maraming susi sa kaliwang kamay niya at isang malaking bag na medyo pamilyar sa akin.

Good. Siya lang mag-isa—the fuck?

Bumaba sa kabilang side ng taxi sina Luis at Chris na may dalang unan at comforter. Paiyak na si Luis nang makita niya ako at nakaawang naman ang bibig ni Chris. Kapag nandito si Haru, hindi talaga pwedeng hindi kasama sina Luis at Chris.

DEEP LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon