Mark Joseph' Point of View:
Lumabas ako ng kuwarto nang buksan ni Jasper ang TV para manood. Mahina ang boses ni Luis sa telepono kaya baka hindi kami magkaintindihan kung hindi ako maghahanap ng tahimik na lugar. Hindi ko naman masabihan si Jasper na hinaan ang volume ng TV, dahil paraan niya iyon para makatulog siya, laluna kung napanood na niya ang palabas sa telebisyon.
"Haru, ayokong umuwi. Makikita ko siya. Dito na lang ako," dinig kong sabi ni Kyle mula sa kabilang linya habang kausap ko si Luis.
"Pasensya na kayong dalawa ni Haru kung kayo ang laging nagugulo ni Kyle," I said.
"Ayos lang sa amin. Kaysa naman kung saan-saan pa siya maglasing. Seph, 'wag ka nang sumama sa pagsundo ha? Kasi baka lalo siyang hindi umuwi. Kanina pa niya kinakausap si Haru tungkol sa 'yo, hindi na nga namin alam kung paano namin siya papayuhan," sabi ni Luis mula sa kabilang linya.
"Oo, sige. Tatawagan ko si JK para masundo niya agad si Kyle," I said.
Matapos kong makausap si Luis, pumasok na ulit ako sa kuwarto. Pagkatapos, naghanap ako ng papel at ballpen sa aking mga gamit saka ko iginuhit ang daan papunta sa bahay ni Haru. Hindi alam ni JK kung saan nakatira si Haru, at dahil hindi ko siya masasamahan, makakatulong para sa kanya kung iguguhit ko ang daan papunta roon.
Pagdating ko sa tapat ng kuwarto nila JK, tinawagan ko siya. Ayokong kumatok sa pinto dahil baka makabulahaw ako sa mga taong nasa kabilang kuwarto. At malakas ang kutob ko na tulog na si JK sa ganitong oras.
Ilang ulit ko pa tinawagan si JK bago niya nasagot ang aking tawag.
"JK, pakibukas 'tong pinto. Nandito ako sa labas."
Nakarinig ako ng kaunting ingay mula sa kabilang linya, tingin ko bumangon na siya agad sa kama. Ilang sandali lang, naputol na ang linya kaya itinago ko na ang aking cellphone. Nang buksan ni JK ang pinto, magulo ang buhok niya at mayroon pang nakapulupot na kumot sa kanyang katawan. Mukha siyang lamig na lamig.
"Huhulaan ko, si Benjamine ba ang dahilan kung bakit nandito ka?" tanong ni JK.
Inabot ko kay JK ang hawak kong papel kung saan ko iginuhit ang daan papunta sa bahay ni Haru.
"Pakisundo naman si Kyle kina Haru. Lasing daw at ayaw umuwi."
"I knew it. Hindi mo ako bubulabugin ng ganitong oras kung hindi dahil sa kanya," sabi ni JK matapos niyang kunin ang iniabot kong papel.
"Wala kang karapatan magtampo dahil kapag inaya mo ako, sumasama ako lagi sa 'yo. Babalik na ako sa kuwarto namin. Tawagan mo na lang ako pagdating niyo rito," sabi ko saka ako naglakad papunta sa room namin ni Jasper.
Tinanaw ko si JK mula sa bintana nang umalis siya papunta sa bahay ni Haru. Hindi ako umalis sa tabi ng bintana para malaman ko agad kapag nakarating na sila. Hindi ako mapakali. At hindi ko maiwasan mag-isip nang kung anu-ano. Iyong akala ko kanina na masaya siya, mali pala ako.
Makalipas ang mahigit dalawang oras na paghihintay, natanaw ko mula sa bintana g kuwarto namin ang ang sasakyan ni JK na pumarada sa tapat ng hotel. Lumabas agad ako para abangan sila sa elevator.
Nang bumukas ang elevator, bumungad sa akin ang gusot na damit ni JK habang buhat niyang parang sako ng bigas si Kyle. Inabot sa akin ni JK ang susi ng kuwarto at ako na ang nagbukas para sa kanya.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...