Gusto kong hingin ang kaunting oras niyo upang basahin ang aking mensahe. Sa totoo lang, hindi po ako sanay sa mga ganitong usapin. Kaya pasensya na po kayo sa akin. Nais kong sabihin na isang writer ng BxB ang namayapa na, iyon po ay si Yotzekai.
At nakakadurog po ng puso nang malaman ko na kahit nasa ospital siya, ang pagsusulat pa rin ang gusto niyang gawin. Marami na siyang naibahaging istorya sa ating lahat. Mga storyang tumatak, nag-iwan ng aral at inspirasyon, hindi lang sa mga readers kundi sa mga kapwa niya writer dito sa wattpad. Nandito po ako para humingi ng dasal sa inyo para sa kanya at sa pamilyang naiwan niya.
Tzekai, alam ko na diyan sa paraiso ng ating panginoon, hindi mo na kailangan ng tablet para magsulat. At diyan, mas marami ang makakarinig sa storyang gusto mong isulat. Ito pa lang ang simula ng buhay mo, sabi kasi nila, kapag namatay ka, birthday mo sa langit. May God bless us all. Paki-hello na lang ako kay ate CJ.
Ang video na nasa taas ay gawa po ni tragic-kira para sa pag-alala kay yortzekai.
~*~
CHAPTER 35
Mark Joseph' Point of View:
Nang mga araw na iyon, wala akong nagawa kundi yakapin siya ng mahigpit at sabihin sa kanya na, ako ang iintindi sa 'yo. Na kahit pakiramdam niya, walang kahit na sinong gustong makinig sa mga paliwanag niya, nandito lang ako para sa kanya.
Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Pero hindi nagsalita si Kyle. Ang narinig ko lang ay ang mga hikbi niya. Nanatili siyang nakayakap sa akin hanggang sa kusa na siyang makatulog.
Simula nang araw na iyon, nagkukulong na lagi sa kuwarto si Kyle. Lumalabas lang siya kapag kakain. Sinubukan ko siyang kausapin pero ang lagi niyang sagot sa akin, ayos lang ako. Hindi na sila nag-uusap ng daddy niya kahit sabay-sabay kaming kumakain tuwing hapunan. Hindi na rin siya nakikisali sa usapan.
Ang kinaiinis ko, hindi siya sumabay sa akin kanina papasok ng school. Pero heto at natatanaw ko siya mula rito sa corridor na abot langit ang ngiti. Nakasuot siya ng pang P.E at kasama niya ang mga classmate niyang lalake. Nagkukumpulan sila sa daan na para bang wala nang ibang makakadaan pa roon.
Mukhang nag-enjoy sa P.E ang mokong na iyon ah. Habang ako, siya ang inaalala ko kanina sa buong klase namin sa Materials I.
Napatingin ako sa aking tabi nang sumilip sa ibaba si Maci kung saan naroon sina Kyle at ang mga kaklase niya na galing sa gymnasium.
"Sino tinitingnan mo?"
"Wala naman. May nakita lang akong nakakainis na ipis sa ibaba."
Salubong ang guhit na guhit na kilay ni Maci nang tumingin siya sa akin. "Ipis daw. Siguro nasa ibaba ang crush mo. Nasaan siya sa mga iyon, ituro mo."
"Wala nga. Tara na, Maci."
Nginusuan ako ni Maci na para bang hindi niya matanggap ang paglilihim ko. Kung pwede ko lang ba ipagsigawan, bakit hindi? Husto siyang sumilip sa ibaba hanggang sa mamilog ang mga mata niya at ituro si Kyle na nakatayo sa gilid na parang may inaantay.
"Ah! Si Benjamine Kyle! Benjamine!"
Napatingala si Kyle nang marinig niya ang malakas na tinig ni Maci. Agad niya kaming nakita rito sa may second floor sa tapat ng library, kahit maraming taong nakatambay sa gilid. Ngumiti siya at kumaway bago naglakad paalis kasama ang ilan sa mga classmate niya.
BINABASA MO ANG
DEEP LOVE
RandomDEEP LOVE WRITTEN BY SOMEONELIKEK Mark Joseph Serrano has Haphephobia, fear of being touched. Ito ang dahilan kung bakit lumayo si Mark sa mga noon ay malalapit sa kanya. Binago nito ang pakikitungo niya sa mga tao dahilan para mawalan siya ng kaibi...